Ilang senador, nanawagang bigyan ng pagkakataon si Tourism Secretary Christina Frasco

Sa gitna ng kontrobersiya sa bagong “Love the Philippines” tourism slogan ng bansa, umapela si Senador Sonny Angara at Senador Christopher ‘Bong’ Go, na bigyan pa ng pagkakataon sa kanyang tungkulin si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco. Ayon kay Angara, hindi dapat matabunan ng kontrobersiya ang magagandang nagawa na ni Frasco. Ipinunto rin… Continue reading Ilang senador, nanawagang bigyan ng pagkakataon si Tourism Secretary Christina Frasco

Rep. Salceda, binigyan ng 8.5 out of 10 rating ang unang taon ni Pangulong Marcos Jr.

Binigyan ng 8.5 percent rating ni House Committee Chair Ways and Means Albay Representative Joey Salceda ang performance ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa unang taon nito. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Salceda na maganda ang simula ng panunungkulan ni Pangulong Marcos Jr. dahil napanatili nito ang kanyang kredibilidad at political capital… Continue reading Rep. Salceda, binigyan ng 8.5 out of 10 rating ang unang taon ni Pangulong Marcos Jr.

9 na panukalang batas, isinulong ng Senado na masama sa priority bills ng Marcos Jr. Administration

Isinulong ng Senado na madagdag ang siyan na panukalang batas sa common legislative agenda ng administrasyon.  Sa ginawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting kahapon, kabilang sa mga ipinanukala ng senado na maisama sa ituturing na priority bills ang Philippine Defense Industry Development Act (PDIDA), panukalang Cybersecurity Law, at amyenda sa procurement provisions ng AFP… Continue reading 9 na panukalang batas, isinulong ng Senado na masama sa priority bills ng Marcos Jr. Administration

Buwis sa vape products, pinatataasan

Nais ni Anakalusugan Party-list Representative Rey Reyes na taasan ang buwis na ipinapataw sa e-cigarettes at vape products. Maliban aniya sa makakadagdag ito sa pondo para sa Universal Health Care Law ay mapipigil din nito ang mga kabataan na tangkilikin ang naturang produkto.   Tinukoy ng mambabatas ang pag-aaral ng Global Youth Tobacco Survey noong… Continue reading Buwis sa vape products, pinatataasan

Pension system para sa OFWs, pinabubuo ng isang party-list solon

Isang panukala ang isinusulong ngayon sa Kamra para bumuo ng hiwalay na social at pension system para sa mga overseas Filipino worker (OFW). Ang House Bill 8574 o Kabayan OFW Pension Act ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ay nabuo dahil na rin sa pakikipagdiyalogo sa mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo. Aniya,… Continue reading Pension system para sa OFWs, pinabubuo ng isang party-list solon

Political will at maayos na economic policies, naging daan sa pagpapababa ng inflation ngayong Hunyo — Speaker Romualdez

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang anunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal pa ang headline inflation rate sa buwan ng Hunyo, na naitala sa 5.4 percent. Aniya, ang pagbagal sa pagtaas sa presyo ng bilihin at serbisyo ay bunsod na rin ng political will at maayos na economic policies ng Marcos Jr. administration.… Continue reading Political will at maayos na economic policies, naging daan sa pagpapababa ng inflation ngayong Hunyo — Speaker Romualdez

Pelikulang Barbie, dapat ipagbawal sa bansa dahil sa isang eksenang nagpapakita ng ‘nine-dash line’ ng China –- Sen. Tolentino

Dapat ipagbawal ang pagpapalabas sa Pilipinas ng pelikulang Barbie. Ito ang pananaw ni Senador Francis Tolentino kasunod na rin ng naging desisyon ng Vietnam, na huwag ipalabas sa kanilang bansa ang naturang pelikula dahil sa isang eksena na nagpapakita ng ‘nine-dash line’ ng China. Ayon kay Tolentino, responsibilidad ng Movie Television Review and Classification Board… Continue reading Pelikulang Barbie, dapat ipagbawal sa bansa dahil sa isang eksenang nagpapakita ng ‘nine-dash line’ ng China –- Sen. Tolentino

Maharlika Investment Fund bill, nai-transmit na sa Malacañang

Naipadala na sa Malacañang ang enrolled copy ng Maharlika Investment fund (MIF) bill. Kinumpirma ng Office of the Senate President na ngayong araw na-transmit sa palasyo ang MIF bill. Matatandaang kahapon ay napirmahan na ni House Speaker Martin Romualdez ang enrolled copy ng MIF bill, at saka ibinalik sa Mataas na Kapulungan. Ayon naman sa… Continue reading Maharlika Investment Fund bill, nai-transmit na sa Malacañang

Day of Mourning, idineklara sa Davao Oriental bilang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Gov. Corazon Malanyaon

📷 Provincial Government of Davao Oriental

MIF bill, posibleng mapirmahan na ni Pangulong Marcos Jr. sa susunod na linggo – Senate President Migz Zubiri

Inaasahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mapirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Ito ay matapos ang pagkakapirma ni House Speaker Martin Romualdez sa enrolled bill ng MIF. Matapos mapirmahan ang MIF bill ay ihahanda naman na ng economic… Continue reading MIF bill, posibleng mapirmahan na ni Pangulong Marcos Jr. sa susunod na linggo – Senate President Migz Zubiri