Chief Security ng kumpaniyang pagmamay-ari ni dating Gov. Pryde Henry Teves na naaresto ng CIDG, sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo — PNP

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang ginampanang papel ng Chief Security Officer ng HDJ Tolong Compound, na pagmamay-ari ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at walong iba pa. Ito ay makaraang makuha ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga… Continue reading Chief Security ng kumpaniyang pagmamay-ari ni dating Gov. Pryde Henry Teves na naaresto ng CIDG, sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo — PNP

Deputy Speaker Gonzales, patuloy na itinutulak ang Constituent Assembly

Muling itinulak ni Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang Constituent Assembly (ConAss) bilang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon sa Pampanga solon, pinakamabilis, matipid at kontroladong paraan ng Charter Change ang ConAss. Kung Constitutional Convention kasi aniya ang gagawin na isinusulong ng Kamara ay hindi mapipigilan ang mga delegado na magsulong ng iba pang… Continue reading Deputy Speaker Gonzales, patuloy na itinutulak ang Constituent Assembly

Kaligtasan ng mga estudyante pag may fire at earthquake drill, pinatitiyak sa mga eskwelahan

Pinatitiyak ni Act Teacher’s Party-list Representative France Castro sa lahat ng mga eskwelahan ang kaligtasan ng mga estudyante tuwing may drills at outside activities. Ayon kay Rep. France Castro, dapat siguruhin ang safety ng lahat tuwing may fire at earthquake drill. Ginawa ng lady solon ang pahayag matapos ang insidente sa Cabuyao, Laguna, na may… Continue reading Kaligtasan ng mga estudyante pag may fire at earthquake drill, pinatitiyak sa mga eskwelahan

Petisyon na alisin bilang miyembro ng Kamara si NegOr Rep. Arnie Teves, nasa kamay na ng Ethics Committee

Kinumpirma ni House Committee on Ethics and Privileges Chair Felimon Espares na natanggap na ng kanilang committee secretariat ang routing letter kaugnay sa inihaing petisyon ni Pamplona Mayor Janice Degamo para alisin bilang miyembro ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnie Teves. March 22 nang pormal na matanggap ng Kamara ang naturang liham ni Mayor… Continue reading Petisyon na alisin bilang miyembro ng Kamara si NegOr Rep. Arnie Teves, nasa kamay na ng Ethics Committee

Kampo ni NegOr Rep. Arnie Teves, inapela ang suspensiyon na ipinataw ng Kamara

Umapela si Negros Oriental Representative Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr. na bawiin ang ipinataw na suspensiyon sa kanya ng Kamara. Sa pamamagitan ng legal counsel nito na si Atty. Ferdinand Topacio, isang liham ang ipinadala sa House Committee on Ethics and Privileges upang iapela na mabawi ang pagkakasunspinde ng mambabatas. Kinuwestiyon din ng panig ng kinatawan,… Continue reading Kampo ni NegOr Rep. Arnie Teves, inapela ang suspensiyon na ipinataw ng Kamara

PNP, kinumpirmang may Private Armed Group ang magkapatid na Teves sa Negros Oriental

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na may pinatatakbong Private Armed Group (PAG) si dating Negros Oriental Governor Henry Pryde Teves. Ito ang inihayag ni PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. kasunod ng isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa opisina ng dating governor sa Sta. Catalina, Negros Oriental, kamakailan. Nasamsam… Continue reading PNP, kinumpirmang may Private Armed Group ang magkapatid na Teves sa Negros Oriental

Senador Gatchalian, naniniwalang hindi magtataas ng red at yellow alert ang NGCP ngayong summer

Kampante si Senador Sherwin Gatchalian na hindi magtataas ng red o yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong summer, dahil sa pagkakaroon ng reserbang enerhiya ng bansa. Ayon kay Gatchalian, kaiba sa mga nakalipas na panahon ay mayroong 600 megawatts na ancillary reserves ang NGCP. Ito ay matapos imandato ng Department… Continue reading Senador Gatchalian, naniniwalang hindi magtataas ng red at yellow alert ang NGCP ngayong summer

Pulitika, dahilan ng pagkonsidera kay Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga mastermind sa Degamo slay case

Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) ang dahilan ng pagkonsidera kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr. bilang isa sa mga mastermind sa pagpatay kay Governor Roel Degamo. Ito ay matapos ihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kanila nang ikinukonsidera si Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga utak sa pagpatay… Continue reading Pulitika, dahilan ng pagkonsidera kay Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga mastermind sa Degamo slay case

Updated calendar of activities, inilabas ng COMELEC

Naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng updated “calendar of activities” para sa 2023 Barangay at Sanggunang Kabataan (BSK) Elections. Ayon sa Comelec, ito ay base narin sa kanilang Resolution No. 10902. Dahil dito ang “Election Period at Gun Ban” ay magsisimula na sa August 28 hanggang November 29, 2023. Habang ang paghahain ng… Continue reading Updated calendar of activities, inilabas ng COMELEC

Senate-House meeting, dapat nang matuloy matapos ihayag ni Speaker Romualdez ang pagiging bukas sa paraang nais ng Senado sa Cha-cha

Muling kinalampag ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang mga kasamahang mambabatas sa Kamara at Senado na ituloy nang pagpulungan ang Charter Change. Ayon kay Villafuerte, ngayong sinabi na ni House Speaker Martin Romualdez na bukas siyang aralin ang anomang suhestiyon ng Senado sa pamamaraan ng pag amyenda sa Saligang Batas ay dapat samantalahin na… Continue reading Senate-House meeting, dapat nang matuloy matapos ihayag ni Speaker Romualdez ang pagiging bukas sa paraang nais ng Senado sa Cha-cha