Ex-Sen. Sonny Trillanes, pormal nang naghain ng COC para lumaban sa pagka-alkalde sa Caloocan

Tuloy na ang tapatang Malapitan vs Trillanes sa lungsod ng Caloocan. Ito matapos na maghain na ng kanyang Certificate of Candidacy si Trillanes para tumakbong alkalde ng lungsod ng Caloocan. Pasado alas-10 ng umaga nang dumating ang dating senador sa COMELEC satellite office sa SM Grand Central. Marami rin itong tagasuporta na sumalubong sa kanya.… Continue reading Ex-Sen. Sonny Trillanes, pormal nang naghain ng COC para lumaban sa pagka-alkalde sa Caloocan

COMELEC, nilinaw ang SC TRO hinggil sa mga opisyal ng gobyerno na maghahain ng COC

Nilinaw ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia na ang sakop lamang ng desisyon ng Korte Suprema na inilabas kahapon ay ang mga appointed official lamang ng pamahalaan. Ibig sabihin, “deemed resigned” na mula sa kanilang posisyon ang mga opisyal matapos magsumite ng kanilang Certificate of Candidacy (COC). Binigyang diin naman ni Garcia na… Continue reading COMELEC, nilinaw ang SC TRO hinggil sa mga opisyal ng gobyerno na maghahain ng COC

Independent candidates, nanguna sa pag-file sa pagkasenador sa ikalawang araw ng COC filing sa Manila Hotel

Pinangunahan ng independent candidates ang ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-senador ngayong araw (October 2), sa Manila Hotel. Isa sa kanila ay si Magno Manalo, dating electrician, security guard, at ngayo’y pastor na umaasang makakakuha ng pwesto sa Senado. Isa sa kanyang mga ipinapangako ay ang libreng tubig at… Continue reading Independent candidates, nanguna sa pag-file sa pagkasenador sa ikalawang araw ng COC filing sa Manila Hotel

Mga naghain ng CoC sa pagka-kongresista sa Comelec NCR, nadagdag pa

Nadagdagan pa ang mga naghain ng Certificate of Candicacy (COC) sa pagka-kongresista sa ikalawang araw ng COC filing sa Comelec NCR sa San Juan City. Kabilang sa mga naghain ng COC ang dating kongresista na si Federico “Ricky” Sandoval para sa pagka-kongresista ng lone district ng Malabon. Makakalaban ni Ricky Sandoval ang naghain na rin… Continue reading Mga naghain ng CoC sa pagka-kongresista sa Comelec NCR, nadagdag pa

Mas matatag na safety measures para matiyak ang kaligtasan ng OFWs sa Qatar, ipinanawagan

Ipinanawagan ni Senator Risa Hontiveros ang pagkakaroon ng mas malakas na safety measures para sa pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). Ginawa ng senador ang pahayag na ito bago ang nakatakda niyang pakikipagpulong sa mga distressed OFW sa Qatar, na naging biktima ng pang aabuso. Nakatakdang makipagpulong si Hontiveros sa higit… Continue reading Mas matatag na safety measures para matiyak ang kaligtasan ng OFWs sa Qatar, ipinanawagan

BJMP, susunod sa COMELEC kung lalahok sa halalan si dismiss Bamban Tarlac Mayor Guo

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na susundin ang patnubay ng Commission on Elections (COMELEC) at ng korte, kapag magdesisyong lumahok sa midterm elections si dismiss Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sinabi ni BJMP Spokesperson Superintendent Jayrex Bustinera, na may koordinasyon na ang bureau sa COMELEC kung sakaling muling kumandidato si Guo.… Continue reading BJMP, susunod sa COMELEC kung lalahok sa halalan si dismiss Bamban Tarlac Mayor Guo

BHW party-list Rep. Natasha Co, iginiit na titindigan ang ethics complaint laban sa kapwa mambabatas

Nagdulot ng takot at trauma para kay BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co ang nangyaring komosyon sa pagitan nila nina AGRI party-list Rep. Wilbert Lee at Marikina Rep. Stella Quimbo sa gitna ng deliberasyon ng budget ng DOH noong September 25. Kwento niya sa House media, bago ang pang-aagaw ng mikropono kay Senior Deputy Minority… Continue reading BHW party-list Rep. Natasha Co, iginiit na titindigan ang ethics complaint laban sa kapwa mambabatas

Senatorial aspirant naging emosyonal sa 2nd day ng filing sa Manila Hotel

Naging emosyonal si senatorial aspirant Beth Lopez matapos mag-file ng kanyang kandidatura bilang senador sa ikatlong pagkakataon. Si Lopez ay tatlong beses nang nadiskwalipika ng Commission on Election (COMELEC) bilang nuisance candidate, dahilan umano ng kanyang kahirapan at kakulangan sa pondo para maglunsad ng pambansang kampanya. Ngunit ayon sa COMELEC, hindi batayan ang kahirapan para… Continue reading Senatorial aspirant naging emosyonal sa 2nd day ng filing sa Manila Hotel

Sen. Poe, isinusulong na mabigyan ng prangkisa ang Starlink

Naghain si Senator Grace Poe ng panukalang batas na layong gawaran ng prangkisa ang Starlink Internet Services Philippines Inc. para mapahintulutan itong makapagbigay ng internet service sa bansa, lalo na sa mga malalayong sulok ng Pilipinas. Sa ilalim ng Senate bill 2844, tinukoy na kailangan ang prangkisa para makapag operate ng satellite ground stations ang… Continue reading Sen. Poe, isinusulong na mabigyan ng prangkisa ang Starlink

Salceda: Creatives sector, “biggest winner” sa bagong batas na magpapataw ng VAT sa nonresident digital service providers

Nagpasalamat si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa batas na magpapataw ng VAT sa mga nonresident digital service providers. Giit niya, sa mahabang panahon ay binubuwisan ang domestic creatives ngunit malaya naman ang foreign companies na mamayagpag nang walang tax. Dahil dito natatali at… Continue reading Salceda: Creatives sector, “biggest winner” sa bagong batas na magpapataw ng VAT sa nonresident digital service providers