Panukalang ROTC, malaki ang tiyansang maaprubahan sa Senado

Kumpiyansa si Senate Majority Leader Francis Tolentino na mas mataas na ang tiyansa na maaprubahan sa Senado ang panukalang pagbabalik ng Mandatory ROTC sa kolehiyo. Ito ay dahil aniya nagbigay na ng go signal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na madaliin na ang pagtalakay sa panukala, makaraang maipaliwanag sa kanya ang layunin nito. Ayon… Continue reading Panukalang ROTC, malaki ang tiyansang maaprubahan sa Senado

Pagsasailalim ng 2 testigo sa pagpaslang kay dating PCSO Board Secretary Welsey Barayuga, inaaral na ng DOJ

Kasalukuyan nang kinakausap ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang testigo na humarap sa Quad Committee na may alam ukol sa pagpapapatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga. Ito ayon kay Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers. Aniya, tinitingnan na ng DOJ ang partisipasyon nina Police Lt. Col. Santie Fuentes Mendoza at kaniyang… Continue reading Pagsasailalim ng 2 testigo sa pagpaslang kay dating PCSO Board Secretary Welsey Barayuga, inaaral na ng DOJ

Panukalang Dept. of Water Resources, siniguro ni SP Chiz Escudero na maipapasa ngayong 19th Congress

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na maisasabatas na ngayong 19th Congress ang panukalang batas na lilikha ng Department of Water Resources. Ayon kay Escudero, kabilang ito sa mga napag-usapan at napagkasunduan sa ginanap na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ipinaliwanag ni Escudero, na hindi naman salungat sa isinusulong na rightsizing ng Marcos Administration… Continue reading Panukalang Dept. of Water Resources, siniguro ni SP Chiz Escudero na maipapasa ngayong 19th Congress

Quad Comm, di isinasantabi ang posibilidad na kausapin ang Chinese spy na nakakulong sa Thailand

Napag-uusapan ng House Quad Committee members ang posibilidad na lumipad ng Thailand para makausap ang nagpakilalang Chinese spy na si She Zhijang. Ayon kay Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers, hindi nila isinasantabi na pumunta sa Thailand para mabusisi kung ang kaniyang impormasyon na espiya rin si Alice Guo ay totoo o hindi. Giit… Continue reading Quad Comm, di isinasantabi ang posibilidad na kausapin ang Chinese spy na nakakulong sa Thailand

BARMM, target ang tapat, payapa at maayos na halalan sa 2025

Sisikapin ng pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na magiging tapat, payapa at malinis ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa susunod na taon. Ayon kay BARMM Cabinet Secretary at Spokesperson Mohammad Asnin Pendatun, puspusan na ang kanilang paghahanda para sa paparating na eleksyon. Kaliwa’t kanan na ang ginagawang education campaign sa tulong… Continue reading BARMM, target ang tapat, payapa at maayos na halalan sa 2025

25,000 Caviteño napagkalooban ng tulong pinansyal at pabigas sa ilalim ng CARD, ISIP, SIBOL program

Nasa 25,000 Caviteños ang nakabenepisyo sa tatalong makabagong programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. partikular na ang kabilang sa vulnerable sector, mag-aaral, at maliliit na negosyo. Sa ilalim ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program: 10,000 benepisyaryo mula Cavite ang napagkalooban ng P5,000 at 10 kilo ng bigas sa simpleng seremonya sa Imus… Continue reading 25,000 Caviteño napagkalooban ng tulong pinansyal at pabigas sa ilalim ng CARD, ISIP, SIBOL program

House leader, nilinaw ang nangyaring agawan sa microphone sa plenaryo habang tinatalakay ang budget ng DOH

Nagbigay paliwanag ngayon si House Deputy Majority Leader Janette Garin sa nangyaring tensyon sa plenaryo noong tinatalakay ang panukalang pondo ng Department of Health (DOH). Ito’y matapos umani ng hating opinyon mula sa publiko ang insidente kung saan nagtaas siya ng boses habang inagawan naman ng mikropono ang isang mambabatas na miyembro ng minorya. Giit… Continue reading House leader, nilinaw ang nangyaring agawan sa microphone sa plenaryo habang tinatalakay ang budget ng DOH

Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, naghain ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC

Naghain ng “not guilty” plea ang kampo ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 167 kaugnay sa kasong qualified human trafficking laban sa kanya. Ito ang inihayag ni Atty. Nicole Jamilla, abogado ni Guo, sa naganap na arraignment at pre-trial conference ngayong araw. Ayon kay Jamilla, walang kinalaman… Continue reading Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, naghain ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC

Pagtatalaga ni dating PCSO GM Garma ng mga kapamilya sa ahensya, naungkat sa Quad Comm hearing

Kinuwestyon ni Quad Committee Chair Dan Fernandez ang desisyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, na italaga sa mga posisyon sa ahensya ang mga kamag-anak kabilang ang kaniyang anak. Sa pagpapatuloy ng pagsisiyasat ng Quad Comm, napaamin ni Fernandez si Garma na nagtalaga nga ito ng mga kamag-anak sa PCSO.… Continue reading Pagtatalaga ni dating PCSO GM Garma ng mga kapamilya sa ahensya, naungkat sa Quad Comm hearing

Speaker Romualdez, kinilala sina PBBM at First Lady Liza Marcos bilang mga kapeon ng demokrasya

Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa kanila aniyang maigting na paggalang sa rule of law at democratic institutions. Kasabay ito ng selebrasyon ng ika-63 taong anibersaryo ng PHILCONSA, kung saan nagsisilbing presidente si Romualdez, ay kinilala nito ang pagiging kampeon ng demokrasya ni Pangulong… Continue reading Speaker Romualdez, kinilala sina PBBM at First Lady Liza Marcos bilang mga kapeon ng demokrasya