Office of the Speaker at Tingog Party-list, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Muntinlupa

Magkatuwang ang Office of the Speaker at Tingog Party-list sa pagpapaabot ng tulong pinansyal sa mga nasunugan sa Putatan, Muntinlupa. Ang naturang ayuda para sa may 55 pamilyang nasunugan ay idinaan sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay Tingog Party-list Representative Yedda… Continue reading Office of the Speaker at Tingog Party-list, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Muntinlupa

Speaker Romualdez, tinutulan ang panawagang zero budget para sa OVP

Hindi pinaboran ni Speaker Martin Romualdez ang panawagang zero budget para sa Office of the Vice President. Ayon kay Romualdez, bilang Speaker, nauunawaan niya ang sentimyento ng ilang kasamahan sa Kongreso tungkol sa hindi pagdalo ng bise presidente sa mga deliberasyon ng plenaryo para sa badyet ng tanggapan sa taong 2025. Dahil dito, may ilang… Continue reading Speaker Romualdez, tinutulan ang panawagang zero budget para sa OVP

Budget ng OVP, natapos na sa plenaryo

Nakalusot na sa plenary deliberation ang panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa taong 2025. Inisponsoran pa rin ni House Appropriations Committee Vice Chair Zia Alonto Adiong ang OVP budget kahit hindi dumating ang bise presidente o sinumang authorized representative nito. Aminado si Adiong na nakakahinga na siya ng maluwag ngayong tapos… Continue reading Budget ng OVP, natapos na sa plenaryo

Kamara, iginagalang ang paghahain ng petisyon ng kampo ni dating Sec. Roque sa SC

Iginagalang ni Quad Committee Chair Dan Fernandez ang hakbang ng anak ni dating Sec. Harry Roque na maghain sa Korte Suprema ng Petition for Temporary Protection Order at Writ of Certiorari and Prohibition, kasunod ng pagkaka-contempt sa kaniyang ama. Matatandaan na pina-contempt ng Quad Comm si Roque, dahil sa hindi pagsusumite ng mga hinihinging dokumento… Continue reading Kamara, iginagalang ang paghahain ng petisyon ng kampo ni dating Sec. Roque sa SC

Mga senador, pinabulaanan ang impormasyon ukol sa di umano’y pagpapalit ng liderato ng Senado

Pinabulaanan ng mga senador ang kumalat na impormasyong may namumuong plano para palitan si Senate President Chiz Escudero. Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, wala siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa ano mang coup attempt laban kay Escudero. Sinabi rin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na wala siyang nalalaman na ganitong attempt. Si… Continue reading Mga senador, pinabulaanan ang impormasyon ukol sa di umano’y pagpapalit ng liderato ng Senado

Resolusyong humihimok sa Kongreso na paglaanan ng pondo ang Sulu sa ilalim ng 2025 GAB, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ng ilang mambabatas mula Mindanao ang House Resolution 2025 na nananawagan sa Kamara at Senado na maglaan ng pondo sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill (GAB) para sa Lalawigan ng Sulu. Bunsod ito ng ibinabang desisyon ng Korte Suprema nito lang September 9, kung saan aalisin na ang Sulu sa sakop… Continue reading Resolusyong humihimok sa Kongreso na paglaanan ng pondo ang Sulu sa ilalim ng 2025 GAB, inihain sa Kamara

Senador Tolentino, giniit ang kahalagahan ng koordinasyon para maibigay ang pangangailangan ng Sulu

Binigyang diin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno para matugunan ang mga pangangailangan ng Sulu, na kamakailan lang ay ipinag-utos ng Korte Suprema na maihiwalay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Una nang iminungkahi ni Tolentino na bumuo ng Sulu Transition… Continue reading Senador Tolentino, giniit ang kahalagahan ng koordinasyon para maibigay ang pangangailangan ng Sulu

Mindanao Solon, nanawagan sa mga kapwa mambabatas na ikonsidera ang budget ng MinDA

Nanawagan si House Deputy Minority at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Kongreso na ikonsidera ang budget ng Mindanao Development Authority o MinDA. Sa plenary deliberation ng P267 million na budget ng MinDA, sinabi ni Hataman na hiniling nito na maibalik ang panukalang P735 million na budget ng ahensya dahil makatutulong ito sa buong isla ng… Continue reading Mindanao Solon, nanawagan sa mga kapwa mambabatas na ikonsidera ang budget ng MinDA

Mga sangkot sa pang-iipit ng imported na bigas sa mga pantalan, pinapa-blacklist ng isang mambabatas

Nananawagan ngayon si Manila Representative Rolando Valeriano kina Finance Secretary Ralph Recto, Agriculture Secretary Francis Laurel, at Transportation Secretary Jaime Bautista na imbestigahan at tiyaking mailalabas agad sa mga pier ang mga natenggang imported na bigas. Aniya, dapat matukoy ang detalye ng sanhi sa delay sa paglalabas ng mga kargamento. Pinapurihan din ni Valeriano sa… Continue reading Mga sangkot sa pang-iipit ng imported na bigas sa mga pantalan, pinapa-blacklist ng isang mambabatas

Kamara, hihintayin na humarap ang OVP sa budget deliberations ngayong araw

Maghihintay ang Kamara hanggang sa humarap ang mga opisyal ng Office of the Vice President sa isinasagawang plenary deliberations ngayong araw. Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, dapat ay kaninang alas-10 ng umaga sumalang ang pagtalakay sa panukalang pondo ng OVP para sa taong 2025. Pero hindi dumating ang bise presidente. At bagamat mayroong… Continue reading Kamara, hihintayin na humarap ang OVP sa budget deliberations ngayong araw