Pagtaas ng bilang ng mga botante sa Makati City sa kabila ng pagkakaalis ng 10 EMBO barangay, hindi pangkaraniwan —Comelec

Sang-ayon ang Commission on Elections (Comelec) na ‘very unusual’ o kakaiba ang pagtaas ng bilang ng mga rehistradong botante sa Makati City kahit pa nabawas sa kanilang siyudad ang 10 EMBO barangay. Matatandaang base sa desisyon ng Korte Suprema ay nasa ilalim na ng Taguig City ang sampung EMBO barangay. Sa plenary budget deliberation ng… Continue reading Pagtaas ng bilang ng mga botante sa Makati City sa kabila ng pagkakaalis ng 10 EMBO barangay, hindi pangkaraniwan —Comelec

House Blue Ribbon Committee, may alok na P1-M pabuya sa makapagtuturo kay ‘Mary Grace Piattos’

Nag-ambagan ang mga miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability o Blue Ribbon Committee ng Kamara para sa P1 milyong pabuya sa sino mang makapagtuturo sa kinaroroonan ng isang nagngangalang “Mary Grace Piattos.” Isa si Mary Grace Piattos sa mga pangalang lumabas sa acknowledgment receipt (AR) na isinumite ng Office of the… Continue reading House Blue Ribbon Committee, may alok na P1-M pabuya sa makapagtuturo kay ‘Mary Grace Piattos’

Panukalang Barangay Management and Information System, makatutulong tuwing may kalamidad

Inaprubahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang pagbuo ng technical working group (TWG) para sa pagtatag ng Barangay Management and Information System. Ayon kay Committee Chair at Navotas Representative Toby Tiangco, layon ng House Bill 150 na magkaroon ng centralized system para sa mas madali ang decision making lalo na kung may… Continue reading Panukalang Barangay Management and Information System, makatutulong tuwing may kalamidad

Pondo para sa pagtugon sa mga kalamidad, titiyaking sapat sa 2025 national budget

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Senator Grace Poe na palalakasin ng panukalang 2025 budget ang calamity fund para makapaghatid ng mabilis at napapanahong tulong sa mga komunidad na naaapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.  Ayon kay Poe, nasa P21 billion ang nakalaang pondo para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund… Continue reading Pondo para sa pagtugon sa mga kalamidad, titiyaking sapat sa 2025 national budget

ACT-CIS Party-list, nakatakdang magpadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Aurora at Nueva Vizcaya

Magkakasa rin ng relief efforts ang ACT-CIS Party-list sa mga naapektuhan ng bagyong Pepito sa Aurora at Nueva Vizcaya. Ayon kay ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, mayroon naman na silang nakahandang bigas at canned goods na ipapamahagi sa mga biktima ng bagyo. Aniya, gusto nilang sa Aurora naman magpadala ng tulong lalo at dito nag-second… Continue reading ACT-CIS Party-list, nakatakdang magpadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Aurora at Nueva Vizcaya

Iloilo solon, pinarerepaso ang implementasyon ng UHC law

Inihain ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang House Resolution 2081 para magkasa ang House Committee on Health ng pagsisiyasat sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law. Partikular na tututok ang pagsisiyasat sa Health Technology Assessment (HTA) process at mga proseso na nakakabalam sa napapanahong healthcare innovations, at makapaglatag ng legislative reforms upang… Continue reading Iloilo solon, pinarerepaso ang implementasyon ng UHC law

Immigration lookout bulletin order, dapat ilabas sa mga dayuhang nahuli sa scam hub sa Maynila — Sen. Gatchalian 

Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na maglabas ng immigration lookout bulletin order (ILBO) laban sa mga dayuhan na nahuli sa raid sa pinaghihinalaang scam hub sa Maynila noong October 29. Sa plenary budget deliberation ng panukalang 2025 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG), pinahayag ni Senador Gatchalian ang pagkabahala… Continue reading Immigration lookout bulletin order, dapat ilabas sa mga dayuhang nahuli sa scam hub sa Maynila — Sen. Gatchalian 

Senate inquiry sa mga scam at mobile hacking sa mobile wallet, isinusulong ni Sen. Hontiveros  

Photo courtesy of Senate of the Philippines Facebook Page

Naghain si Senador Risa Hontiveros ng isang resolusyon na layong maimbestigahan sa Senado ang napapaulat na mga insidente ng scam at mga di otorisadong transaksyon sa mga mobile financial services gaya mg GCash at Paymaya.  Sa Senate Resolution No. 1234 ni Hontiveros, iginiit nitong dapat suriin ng Senado ang mga kasalukuyang patakaran sa fintech, at… Continue reading Senate inquiry sa mga scam at mobile hacking sa mobile wallet, isinusulong ni Sen. Hontiveros  

Ibayong pag-iingat, paalala ng Isabela solon sa mga kababayan sa gitna ng bagyong Ofel

Nanawagan ngayon si Isabela 6th District Representative Inno Dy sa kaniyang mga kababayan na manatiling alerto sa gitna ng pag-ulang dala ng bagyong Ofel. Ayon kay Dy ibayong pag iingat ang kailangan dahil inaasahang tataas muli ang tubig baha. Saturated na rin kasi aniya ang lupa dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Nika.… Continue reading Ibayong pag-iingat, paalala ng Isabela solon sa mga kababayan sa gitna ng bagyong Ofel

Mga senador, hinikayat ang PAGASA na gawing mas simple at nauunawaan ang kanilang weather advisories

Hinikayat ng mga senador ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na gawing mas nauunawaan ng publiko ang mga advisory at weather forecasts na kanilang inilalabas. Sa naging plenary deliberation ng panukalang 2025 budget ng Department of Science and Technology (DOST), ipinunto ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang sentimyento ng ilan nating… Continue reading Mga senador, hinikayat ang PAGASA na gawing mas simple at nauunawaan ang kanilang weather advisories