Mga senador, umaasang haharap si dating Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado sa Lunes

Ngayong nandito na sa bansa si dating Mayor Alice Guo, hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang dating alkalde na magsabi na ng buong katotohanan tungkol sa operasyon ng Philippine offshore gaming operator (POGO) kapag humarap muli sa imbestigasyon ng Senado. Giniit ni Gatchalian, na ang patuloy na pagsisinungaling o ano mang pagtatangka na pagtakpan ang… Continue reading Mga senador, umaasang haharap si dating Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado sa Lunes

Magsasaka party-list, nakapili na ng bagong nominee

Inihain ng Magsasaka Party-list group ang listahan ng mga nominado sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules matapos magdesisyon ang grupo na ang una nilang nominee ay si Atty. Argel Cabatbat, na nagsasabing siya ang nararapat na kumatawan sa kanila sa House of Representatives. Pinangunahan ni Cabatbat, chairman ng Magsasaka Party-list ang pagsusumite ng listahan.… Continue reading Magsasaka party-list, nakapili na ng bagong nominee

OFW Party-list, di tinanggap ang rason ng DOH na wala silang kumpletong impormasyon ng OFWs na nire-repatriate sa bansa

Hindi tinanggap ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang naging dahilan ng Department of Health (DOH) na hirap silang makakuha ng listahan o impormasyon ng mga overseas Filipino worker (OFW) na naire-repatriate sa bansa. Sa budget deliberation ng Department of Health, nanghingi ng update si Magsino sa ipinatutupad na Inter-Agency Medical Repatriation Assistance… Continue reading OFW Party-list, di tinanggap ang rason ng DOH na wala silang kumpletong impormasyon ng OFWs na nire-repatriate sa bansa

Mga senador, pinuri ang pagkakaaresto kay dating Mayor Alice Guo

Pinuri ng mga senador ang pagkakahuli kay dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping sa Indonesia. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, sa pamamagitan nito ay mapapanagot na si Guo at mabibigyan na nito ng linaw ang operasyon ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa. Nagpasalamat naman si Senador Sherwin… Continue reading Mga senador, pinuri ang pagkakaaresto kay dating Mayor Alice Guo

Mga opisyal na nagpahintulot sa delivery ng panis na gatas at nutri buns sa mga mag-aaral, posibleng maharap sa kaso

Photo courtesy of House of Representatives

Hindi malayong maharap sa kaso ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) na nagpahintulot sa delivery ng panis na gatas at nutri bun sa mga mag-aaral sa ilalim ng school based feeding program. Isa ito sa mga isyu na lumabas sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang budget ng DepEd. Ayon sa miyembro ng Young… Continue reading Mga opisyal na nagpahintulot sa delivery ng panis na gatas at nutri buns sa mga mag-aaral, posibleng maharap sa kaso

Sen. Gatchalian, giniit na wala nang choice si dating mayor Alice Guo kundi magsabi ng katotohanan

‘Dead end’ nang maituturing para kay dating Mayor Alice Guo ang pagkakahuli sa kanya ng mga awtoridad. Ito ang dahilan ayon kay Senador Sherwin Gatchalian kaya dapat na itong magsabi ng katotohanan tungkol sa iniimbestigahang operasyon ng mga POGO at mga iligal na aktibidad na idinidikit dito. Sinabi ni Gatchalian na mananatili ang dating alkalde… Continue reading Sen. Gatchalian, giniit na wala nang choice si dating mayor Alice Guo kundi magsabi ng katotohanan

Senado, tiniyak ang seguridad ni dating Mayor Alice Guo sakaling mailipat na dito ang kustodiya nito

Nakikipag-ugnayan na ang Mataas na Kapulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng magiging kustodiya ni dating Mayor Alice Guo, oras na maibalik na ito sa Pilipinas. Matapos kasi ang inquest proceedings sa NBI ay inaasahang ililipat sa Senado si Guo dahil may standing warrant of arrest ang Mataas na Kapulungan laban sa dating… Continue reading Senado, tiniyak ang seguridad ni dating Mayor Alice Guo sakaling mailipat na dito ang kustodiya nito

Paggamit ng intelligence fund ng law enforcement agencies, sisilipin kasunod ng paglabas ng bansa ni Alice Guo

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Plano ni Senador Sherwin Gatchalian na busisiin ang intelligence fund ng law enforcement agencies ng bansa kasunod ng naging pagtakas at paglabas ng Pilipinas ni dating Mayor Alice Guo. Para kasi kay Gatchalian, nagkaroon ng pagkukulang sa intelligence. Kaya naman sa magiging pagdinig ng panukalang 2025 budget ng iba’t ibang law enforcement agencies ay tatanungin… Continue reading Paggamit ng intelligence fund ng law enforcement agencies, sisilipin kasunod ng paglabas ng bansa ni Alice Guo

Naungkat na iregularidad sa bidding ng DepEd sa P1.6-B na halaga ng laptop, pinaiimbestigahan

Hiniling ngayon ng isa sa miyembro ng Young Guns na si AKO Bicol Party-list Representative Jil Bongalo na masilip ang naungkat na iregularidad sa bidding process ng Department of Education (DepEd) para sa pagbili ng laptop at iba pang electronic device sa ilalim ng Computerization Program. Ani Bongalon, posibleng “rigged” ang ginawang bidding para sa… Continue reading Naungkat na iregularidad sa bidding ng DepEd sa P1.6-B na halaga ng laptop, pinaiimbestigahan

Marikina solon, tiniyak na nakahanda ang lungsod para tumugon sa epekto ng bagyong Enteng

Siniguro ni Markina 1st District Representative Maan Teodoro na nakatutok ang pamahalaang lungsod sa sitwasyon sa lungsod sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng. Ayon kay Teodoro, naka-deploy na ang mga rescue team para sa mga nangangailangan ng evacuation. Giit pa niya, na lahat ng kawani ng Marikina Local Government ay nasa heightened alert. Prayoridad… Continue reading Marikina solon, tiniyak na nakahanda ang lungsod para tumugon sa epekto ng bagyong Enteng