Franchise ng Kadiwa stores, malaking tulong sa pagpapalakas ng MSME

Nakakuha ng suporta mula kay Navotas Representative Toby Tiangco ang plano ng Department of Agriculture (DA) na palawigin ang Kadiwa stores sa pamamagitan ng franchise. Sabi ng mambabatas, ang pagbubukas ng Kadiwa Franchise Stores ay magpapalago sa MSME ng bansa. “We are optimistic that if the Department of Agriculture opens the initiative to cooperatives or… Continue reading Franchise ng Kadiwa stores, malaking tulong sa pagpapalakas ng MSME

Dating Congressman Erice, hindi magpapatinag sa kasong isinampa sa kanya ng grupong Bayanihan

Nanindigan si dating congressman Edgar Erice na ipagpapatuloy niya ang kaso niya laban sa Commmission on Elections. Ayon kay Erice, bagamat hindi pa niya nababasa ang reklamong isinampa laban sa kanya ng grupong Bayanihan na hindi niya aniya alam kung saan nagmula ay hindi siya magpapatinag dito. Kahit anong mangyari aniya ay tuloy ang kaso… Continue reading Dating Congressman Erice, hindi magpapatinag sa kasong isinampa sa kanya ng grupong Bayanihan

Pagpirma sa batas na magtatatag ng dagdag na Shari’ah courts sa bansa, kinagalak ni Sen. Robin Padilla

Itinuturing ni Senador Robin Padilla na isang araw ng tagumpay ang ganap na pagsasabatas ng Republic Act 12018 o ang batas na nagtatatag ng tatlong bagong Shari’ah Judicial Districts at 12 Circuit Courts sa bansa. Ayon kay Padilla, malaking tulong ang batas na ito para sa kapatid nating Muslim lalo na sa usapin ng pagkamit… Continue reading Pagpirma sa batas na magtatatag ng dagdag na Shari’ah courts sa bansa, kinagalak ni Sen. Robin Padilla

DILG, magtatatag ng screening committee para sa 8 mababakanteng puwesto sa pagka-konsehal sa bayan ng Bamban sa Tarlac

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi mababalam ang operasyon ng Pamahalaang Bayan ng Bamban sa Lalawigan ng Tarlac. Ito ay ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos ay kasunod ng pag-upo bilang Acting Mayor ni Erano Timbang matapos sibakin ng Ombudsman si Alice Guo. Ayon sa kalihim matapos ang tatlong… Continue reading DILG, magtatatag ng screening committee para sa 8 mababakanteng puwesto sa pagka-konsehal sa bayan ng Bamban sa Tarlac

SILG Abalos, siniguro sa mga mambabatas na patuloy ang paghahanap ng mga otoridad kina Pastor Apollo Quiboloy at dismissed Mayor Alice Guo

Tiniyak mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga mambabatas na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad sina Pastor Apollo Quiboloy at dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.  Tugon ito ni Abalos sa interpelasyon ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel kung bakit hirap ang mga otoridad na hulihin… Continue reading SILG Abalos, siniguro sa mga mambabatas na patuloy ang paghahanap ng mga otoridad kina Pastor Apollo Quiboloy at dismissed Mayor Alice Guo

PNP, inaaral na gawing 1 is to 250 ang police to population ratio sa highly urbanized areas

Magsasagawa ng pag-aaral ang Philippine National Police (PNP) upang mabago ang police to population ratio sa highly urbanized areas. Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang 2025 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan nakapaloob ang PNP, natanong ni Baguio Representative Mark Go kung ilan pa ang bakanteng posisyon sa pambansang… Continue reading PNP, inaaral na gawing 1 is to 250 ang police to population ratio sa highly urbanized areas

Panukalang layong tulungan ang mga mag-aaral na hirap sa basic subjects, niratipikahan na ng Senado

Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program bill. Ayon kay Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, isusulong ng panukala ang pagkakaroon ng mga sistematikong tutorial sessions, pati na rin ng intervention plans, at learning resources para matugunan ang learning loss. Ayon sa… Continue reading Panukalang layong tulungan ang mga mag-aaral na hirap sa basic subjects, niratipikahan na ng Senado

Higit 300 Brgy. Officials sa QC, sumailalim sa Leadership in Public Service at Fundamentals of Public Management Course

May 326 barangay officials sa Quezon City ang nagtapos na sa kursong Leadership in Public Service at Fundamentals of Public Management. Ang inisyatibang ito ay ginawa ng Quezon City Government upang mas mabigyan pa ng edukasyon at kaalaman ang mga mamumunong barangay officials. Paalala ni QC Mayor Joy Belmonte, na dapat maging magaling, mabuti, at… Continue reading Higit 300 Brgy. Officials sa QC, sumailalim sa Leadership in Public Service at Fundamentals of Public Management Course

Utang na doctor’s fee sa ilalim ng medical assistance program ng pamahalaan, pinatutugunan ng House Appropriations Chair

Nakipagpulong si House Committee on Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) sa pangunguna ni Health Secretary Ted Herbosa, upang tugunan ang hinaing ngayon ng mga indigent na pasyente sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients Program o MAIPP Aniya, hindi sila agad nakakatanggap… Continue reading Utang na doctor’s fee sa ilalim ng medical assistance program ng pamahalaan, pinatutugunan ng House Appropriations Chair

Pondo ng DFA, pinadaragdagan ng P5 bilyon

Isinusulong ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na madagdagan ang pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA). Sa naging budget briefing ng ahensya sa Kamara itinulak ni Rodriguez na madagdagan ng P5 billion ang panukalang 2025 budget ng ahensya na nasa P27.4 billion para maging P32.4 billion. Maaari aniya itong gamitin para sa mga… Continue reading Pondo ng DFA, pinadaragdagan ng P5 bilyon