Senadora Grace Poe, giniit na tumaas pa rin ang kabuuang pondo ng DepEd para sa susunod na taon

Giniit ni Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Grace Poe na nananatili ang commitment ng kongreso sa pagprayoridad sa sektor ng edukasyon base sa ipinasa nilang 2025 General Appropriations Bill (GAB). Ito ang tugon ni Poe sa pinahayag na pagkadismaya ni Education Secretary Sonny Angara at ilang mga senador tungkol sa pagkakatapyas ng 12 billion… Continue reading Senadora Grace Poe, giniit na tumaas pa rin ang kabuuang pondo ng DepEd para sa susunod na taon

Senador Koko Pimentel, hinimok ang DA na kasuhan ang mga kumpanyang blacklisted dahil sa smuggling at price manipulation

Hinikayat ni Senate Minority Koko Pimentel ang Department of Agriculture (DA) na sampahan ng kasing kriminal ng mga kumpanyang sangkot sa illegal agricultural trade. Ito ay kahit pa aniya blacklisted na ng DA ang sampung kumpanyang ito. Ayon kay Pimentel, hindi sapat ang pagba-blacklisting lang at kailangang maparusahan ang mga nagkasala. Kabilang saga blacklisted companies… Continue reading Senador Koko Pimentel, hinimok ang DA na kasuhan ang mga kumpanyang blacklisted dahil sa smuggling at price manipulation

Implementasyon ng Anti-Corruption Month Law, pinapa-assess ng isang mambabatas

Naghain ng resolusyon si CIBAC Party-List Rep. Bro. Eddie Villanueva para magsagawa ng assessment sa implementasyon ng Anti-Corruption Month Law. Sa House Resolution 2114, inaatasan ang angkop na komite na magsagawa ng inquiry In Aid of Legislation sa pagtalima ng mga ahensya ng gobyerno, GOCCs, LGUs, at private sector employers sa Anti-Corruption Month Law. Batay… Continue reading Implementasyon ng Anti-Corruption Month Law, pinapa-assess ng isang mambabatas

Mas matibay na proteksyon para sa mga pasahero tuwing holiday rush, isinusulong

Itinutulak ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng isang batas na magpapalakas sa karapatan ng mga pasahero ng mga taxi at tourist car transport services, lalo na tuwing panahon ng holiday rush kung kailan mas sumisikip ang trapiko at bumababa ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon. Kaugnay nito, inihain ng senador ang Senate Bill 819… Continue reading Mas matibay na proteksyon para sa mga pasahero tuwing holiday rush, isinusulong

Pagtalakay sa isyu ng POGO, hindi pa isinasara ng Quad Comm

Magpapatuloy pa rin ang Quad Committee sa pagtalakay sa isyu ng POGO. Ayon kay Quad Comm Lead Chairman Robert Ace Barbers, dapat ay isasara na nila ang usapin ng POGO sa komite, ngunit dahil sa may lumutang na bagong development ay ipagpapatuloy pa rin nila ito. Mayroon pa aniya silang paksa na nais mabusisi tungkol… Continue reading Pagtalakay sa isyu ng POGO, hindi pa isinasara ng Quad Comm

Paghahain ng admin case laban kay Pol. Col. Hector Grijaldo dahil sa pagliban sa mga pagdinig ng Quad Comm, inaaaral na ng Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP

Kinumpirma ni Police Colonel Rowena Acosta, Chief ng Personal Holding and Accounting Unit of the Director of Personnel and Records Management ng PNP na mayroon nang nakahain na reklamong administratibo laban kay Pol. Col Hector Grijaldo. Bunsod ito ng patuloy na pagliban ni Grijaldo sa pagdalo sa pag-dinig ng Quad Committee. Sa pagtatanong ni Quad… Continue reading Paghahain ng admin case laban kay Pol. Col. Hector Grijaldo dahil sa pagliban sa mga pagdinig ng Quad Comm, inaaaral na ng Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP

Pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines, isinusulong

Isinusulong ng magkapatid na Senator Alan Peter at Pia Cayetano ang pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines (VIP). Sa ilalim ng Senate Bill 2893 na naisponsor na sa plenaryo ni Senator Pia ang ipinapanukalang virology institute, aatasang pagtuunan ng pansin ang virology institute at pag develop ng mga bakuna sa bansa. Tugon anila ito… Continue reading Pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines, isinusulong

Panukalang magkakaloob ng digital nomad visa sa mga foreign visitors, lusot na sa House Panel

Inaprubahan ng House Committee on Justice ang panukalang Digital Nomad Visa, na naglalayong pagkalooban ng visa ang mga digital nomad foreigners sa bansa. Ang mga digital nomads ay ang mga dayuhang tourist nagtatrabaho “remotely” gamit ang digital technologies. Sa ilalim ng House Bill 8165, kwalipikado para sa visa ang isang dayuhan na nasa 18 gulang,… Continue reading Panukalang magkakaloob ng digital nomad visa sa mga foreign visitors, lusot na sa House Panel

Senadora Pia Cayetano, giniit na labag sa mga batas sa sin tax ang zero subsidy sa Philhealth

Mariing tinutulan ni Senadora Pia Cayetano na tanggalin ang subsidiya ng gobyerno sa PhilHealth para sa taong 2025. Ayon kay Cayetano, ang hakbang na ito ay direktang sumasalungat sa umiiral na mga batas sa sin tax, at banta sa pagpapatuloy ng benepisyo ng PhilHealth, para sa mga indirect contributors nito. Kabilang na aniya sa mga… Continue reading Senadora Pia Cayetano, giniit na labag sa mga batas sa sin tax ang zero subsidy sa Philhealth

Maagap na pagbawi ng lupa na binili ng foreign nationals na ginawang POGO, ipinanawagan

Nanawagan si House Justice Committee Vice Chair at Batangas Representative Gerville “Bitriks” Luistro sa mga mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na makipagtulungan sa Kongreso sa pagbuo ng batas, na magbabawal na magmay-ari ng real estate ang mga foreign national. Sa pagdining ng House Committee on Justice sinabi ni Luistro, dahil sa pagkakadiskubre ng House Quad… Continue reading Maagap na pagbawi ng lupa na binili ng foreign nationals na ginawang POGO, ipinanawagan