P1.3-B budget cut ng Office of the Vice President sa Senado, pinuri

Pinuri ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Representative Zaldy Co ang desisyon ng Senado na panatilihin ang P1.3 bilyong bawas sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP). Ayon kay Rep. Co, ipinakita ng mga Senador ang kanilang paninindigan bilang malayang sangay na sumusuporta sa posisyon ng Kamara na una… Continue reading P1.3-B budget cut ng Office of the Vice President sa Senado, pinuri

Pag-adopt ng Senado sa pinagtibay na bersyon ng Kamara ng panukalang pondo ng OVP, welcome sa mga mambabatas

Ikinalugod ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ang desisyon ng Senado na i-adopt ang inaprubahang bersyon ng Kamara ng panukalang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2025. Ayon kay Appropriations Vice-Chair Zia Alonto Adiong, na sponsor rin ng OVP budget, pinatunayan lang ng hakbang ng Senado na may sapat na… Continue reading Pag-adopt ng Senado sa pinagtibay na bersyon ng Kamara ng panukalang pondo ng OVP, welcome sa mga mambabatas

3 pulis ng PNP Anti-Cybercrime Group, sinibak matapos pakialaman ang CCTV sa operasyon sa Century Peak Tower

Tinanggal sa puwesto ang tatlong tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group matapos mahuli na pinakialaman ang mga CCTV camera sa panahon ng pagsalakay sa Century Peak Tower sa Malate, Manila. Ayon kay PNP-ACG Director Police Major General Ronnie Francis Carriga, agad na sinuspinde ang mga pulis habang isinasagawa ang imbestigasyon. Batay sa inisyal na impormasyon, pinatayan… Continue reading 3 pulis ng PNP Anti-Cybercrime Group, sinibak matapos pakialaman ang CCTV sa operasyon sa Century Peak Tower

P612.5-M “misused” confidential funds ng OVP at DepEd, sisilipin

Sisilipin ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang posibleng maling paggamit ng P612.5 million na confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Sa pagdinig ngayon ng House Blue Ribbon Committee, sinabi ni Manila 3rd District Representative Joel Chua at Chairperson ng komite, na marami… Continue reading P612.5-M “misused” confidential funds ng OVP at DepEd, sisilipin

Komprehensibong tulong sa mga magsasaka matapos ang nagdaang mga bagyo, isinusulong

Ipinanawagan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang komprehensibong tulong para sa mga magsasaka kasunod ng naranasang epekto ng magkasunod na pagdaan ng bagyong Kristine at Leon. Ayon kay Go, nararapat lang dagdagan ang tulong ng pamahalaan para sa mga magsasaka lalo nat mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon. Kabilang sa isinusulong ng senador, ang pagkakaroon ng… Continue reading Komprehensibong tulong sa mga magsasaka matapos ang nagdaang mga bagyo, isinusulong

DSWD, pinuri sa maagap na pagresponde sa Bicol Region noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo

Pinuri ni House Assistant Minority Leader at Camarines Sur Representative Gabriel Bordado si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa maagap na pagresponde sa kanyang mga kababayan na nasalanta ng bagyong Kristine. Sa kanyang privilege speech sa plenary, sinabi ni Rep. Bordado na walang pagod ang pagtulong ng mga taga DSWD… Continue reading DSWD, pinuri sa maagap na pagresponde sa Bicol Region noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo

Lady solon, pinaiimbestigahan ang trafficking ng mga Pilipina para maging surrogate

Pormal na naghain ng resolusyon si OFW Party-list Representative Marissa Magsino para magkasa ng pagsisiyasat ang Kamara tungkol sa mga Pilipina na iligal na nire-recruit para maging surrogate mothers sa ibang bansa. Sa kaniyang House Resolution 2055, ipinunto ni Magsino ang pangangailangan na tugunan ang mga butas sa batas ukol sa human trafficking, at panuntunan… Continue reading Lady solon, pinaiimbestigahan ang trafficking ng mga Pilipina para maging surrogate

Pagsertipika ng Senado sa transcript ng pagdinig sa war on drugs, kukwestiyunin ni Sen. Bato dela Rosa

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Kukwestiyunin ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa kung sakaling magbibigay ang Senado sa International Criminal Court (ICC) ng kopya ng transcript ng naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee tungkol sa war on drugs. Ayon kay dela Rosa, kung papayagan ito ng liderato ng senado ay kukwestiyunin niya kung anong hurisdiksyon mayroon ang ICC para… Continue reading Pagsertipika ng Senado sa transcript ng pagdinig sa war on drugs, kukwestiyunin ni Sen. Bato dela Rosa

Senate inquiry tungkol sa war on drugs, ipagpapatuloy ngayong Nobyembre

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Binahagi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ipagpapatuloy sa kalagitnaan ng buwan ito o ngayong Nobyembre ang pagdinig ng senate blue ribbon tungkol sa war on drugs. Ayon kay Dela Rosa, nabanggit ito sa kanya ni subcommittee chairman Senador Koko Pimentel. Nilinaw ng senador na maaari pa rin naman silang magsagawa ng Senate inquiry… Continue reading Senate inquiry tungkol sa war on drugs, ipagpapatuloy ngayong Nobyembre

Sen. Imee Marcos, tutol sa panukalang ipagpaliban ang eleksyon sa BARMM

Hindi pabor si Senate Committee on Electoral Reforms chairperson Senador Imee Marcos sa panukalang ipagpaliban ng isang taon ang botohan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon kay Senadora Imee, noon panghuling Kongreso ay tutol na siya dito. Binigyang-diin ng senadora na kailangan nang marinig ang boses ng mga taga-BARMM, partikular na sa… Continue reading Sen. Imee Marcos, tutol sa panukalang ipagpaliban ang eleksyon sa BARMM