Dalawang Dam sa Luzon, nagbabawas na ng tubig sa gitna ng mga pag ulan dala ni bagyong Marce

Nagsimula nang magbawas ng tubig ang dalawang dam sa Benguet sa Luzon. Bunsod ito ng mga nararanasang pag ulan sa bahagi ng Luzon dulot ni bagyong Marce. Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, sabay na binuksan kaninang umaga ang tig isang gate ng Ambuklao at Binga Dam. Abot sa 33 cubic meters per second (cms)… Continue reading Dalawang Dam sa Luzon, nagbabawas na ng tubig sa gitna ng mga pag ulan dala ni bagyong Marce

DSWD, may nakahandang higit isang milyong food packs para sa mga LGU na tatamaan ng bagyong Marce

Naka-standby na ang nasa 1.3 milyong kahon ng family food packs (FFPs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para i-pang-augment sa mga LGU lalo na ang posibleng maapektuhan ng bagyong Marce. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, iniutos na rin nito ang tuloy-tuloy na produksyon ng FFPs sa mga resource center kabilang ang… Continue reading DSWD, may nakahandang higit isang milyong food packs para sa mga LGU na tatamaan ng bagyong Marce

Signal no. 2, nakataas sa ilang lalawigan sa norte dahil sa bagyong Marce

Nadagdagan pa ang mga lugar na inilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 at 2 dahil sa banta ng bagyong Marce. Sa 5am weather bulletin ng PAGASA, napanatili ng bagyong Marce ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-hilagang kanluran sa Philippine Sea. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 345 km silangan… Continue reading Signal no. 2, nakataas sa ilang lalawigan sa norte dahil sa bagyong Marce

Heightened Alert, itinaas ng Coast Guard sa Northern Luzon dahil sa bagyong Marce

Nakahanda na ang lahat ng mga kagamitan ng Philippine Coast Guard (PCG) North Western Luzon upang magbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Marce.  Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, nasa Heightened Alert ngayon ang lahat ng District Station at Sub Station sa North Western Luzon.  Ibig sabihin, kanselado ang lahat ng leave… Continue reading Heightened Alert, itinaas ng Coast Guard sa Northern Luzon dahil sa bagyong Marce

SSS, nagbukas ng mga bagong sangay sa Visayas at Mindanao

Nagbukas ng mga bagong sangay ang Social Security System (SSS) sa Visayas at Mindanao Region. Ayon kay SSS Officer-In-Charge Voltaire Agas, ang pagbubukas ng mga bagong sangay ay para ilapit ang mga serbisyo sa publiko. Mas madali na rin sa mga mga miyembro na ma-access ang mga benepisyo at ang maayos na pakikipag transaksyon. Sa… Continue reading SSS, nagbukas ng mga bagong sangay sa Visayas at Mindanao

Biglang dami ng botante sa ilang mga barangay at lungsod, pinaiimbestigahan ng isang mambabatas

Nanawagan si Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan para sa pagkakasa ng investigation in aid of legislation kaugnay sa kuwestyonableng pagtaas sa bilang ng botante sa ilang lugar sa bansa. Sa isang privilege speech, tinukoy ni Suan na nakapagtala ang COMELEC ng influx ng mga bagong botante sa ilang barangay, munisipalidad, lungsod at probinsya sa… Continue reading Biglang dami ng botante sa ilang mga barangay at lungsod, pinaiimbestigahan ng isang mambabatas

DSWD, patuloy sa paggawa ng food packs para sa on-going disaster operation

Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development

Walang tigil ang Department of Social Welfare and Development sa paggawa ng family food packs para ipamahagi sa mga sinalanta ng bagyong Kristine, Leon at posibleng epekto ni bagyong Marce. Ayon kay National Resource and Logistics Management Bureau Chief Administrative Officer Irish Flor Yaranon, target nilang makagawa ng 20,000 kahon ng family food packs kada… Continue reading DSWD, patuloy sa paggawa ng food packs para sa on-going disaster operation

Pagpapalakas sa PDRRM at pagkakaroon ng mga food banks sa kada probinsya, panawagan ng Bicolano solon

Higit ngayong kailangan na palakasin ang disaster risk reduction management system ng bansa ayon sa isang kongresista. Sa privilege speech ni Ako Bicol party-list Rep. Jill Bongalon, binigyang diin niya ang kahalagahan na maisabatas ang ilang panukalang layong palakasin ang ating disaster risk reduction management agencies matapos manalasa ang bagyong Kristine. Giit niya na kahit… Continue reading Pagpapalakas sa PDRRM at pagkakaroon ng mga food banks sa kada probinsya, panawagan ng Bicolano solon

DSWD, patuloy sa pamamahagi ng relief assistance; higit sa P50k na karagdagang food packs, dumating na sa Bicol

Patuloy ang isinasagawang pamamahagi ng relief assistance ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol para sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang Bagyong Kristine sa Bicol Region. Nakapagpamahagi ang DSWD Bicol ng nasa 55,628 Family Food Packs sa iba’t ibang bayan sa anim na probinsya ng rehiyon. Mahigit 27,000 FFP ang… Continue reading DSWD, patuloy sa pamamahagi ng relief assistance; higit sa P50k na karagdagang food packs, dumating na sa Bicol

Centenarian na miyembro ng IP Community sa Eastern Visayas, tumanggap ng P100K mula sa DSWD

Kasabay ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Indigenous People’s Month nitong October 31, 2024, iginawad ng DSWD-Eastern Visayas ang P100,000.00 na cash gift sa isang centenarian na kabilang sa Indigenous People’s (IP) Community sa bayan ng Burauen, probinsya ng Leyte. Si Lolo Bernal, dating tribal chieftain ng Mamanwa Tribe indigenous people’s group na naitatag sa nasabing… Continue reading Centenarian na miyembro ng IP Community sa Eastern Visayas, tumanggap ng P100K mula sa DSWD