Lupaing ninuno ng mga Katutubong Dumagat, ginawaran ng Certificate of Recognition for Ancestral Domain Claim

Ginawaran ng Certificate of Recognition of Ancestral Domain Claim ang lupaing ninuno ng mga katutubong Dumagat/Remontado sa Montalban, Rizal, mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Calabarzon. Ayon sa pabatid ng Tanggapan, iginawad ang naturang sertipiko kasabay ng selebrasyon ng National Indigenous Peoples Thanksgiving Day at anibersaryo ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) kamakailan.… Continue reading Lupaing ninuno ng mga Katutubong Dumagat, ginawaran ng Certificate of Recognition for Ancestral Domain Claim

Bagyong Marce, lumakas pa at malapit na sa typhoon category

Lumakas pa at halos nasa typhoon category na ang bagyong Marce. Huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Marce sa layong 735 km silangan ng Baler, Aurora, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 135 km/h. Nakataas ang TCWS No:1 Luzon:Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands,… Continue reading Bagyong Marce, lumakas pa at malapit na sa typhoon category

Higit 500 pamilya sa Batangas, binigyan ng shelter materials ng DHSUD

May 559 pamilya sa lalawigan ng Batangas na nasiraan at nawalan ng bahay dahil kay bagyong Kristine ang pinagkalooban ng shelter materials ng Department of Human Settlements and Urban Development. Ang hakbang na ito ng ahensya ay bahagi ng patuloy na paglulunsad ng “conveyor belt of aid”ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para… Continue reading Higit 500 pamilya sa Batangas, binigyan ng shelter materials ng DHSUD

Higit 23K displaced families na sinalanta ng bagyong Kristine at Leon sa Bicol Region, nasa mga evacuation center pa

Mayroon pang 23,314 pamilya o katumbas ng 94,041 indibidwal na biktima ng bagyong Kristine at Leon ang nanatili pa sa 300 evacuation centers sa Bicol Region. Bukod sa displaced families, mayroon pang 25,204 pamilya o 102,866 indibidwals ang naninirahan sa labas ng evacuation centers. Ang bilang na ito ay mula sa kabuuang 743,526 pamilya o… Continue reading Higit 23K displaced families na sinalanta ng bagyong Kristine at Leon sa Bicol Region, nasa mga evacuation center pa

P60-M Presidential assistance ipinagkaloobnsa anim na munisipalidad ng Batangas na naapektuhan ng bagyong Kristine

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng P60-M na presidential assistance sa anim na munisipalidad ng Batangas na lubhang naapektuhan ng nagdaang bagong Kristine. Tig-P10-M ang natanggap ng Laurel, Talisay, Agoncillo, Cuenca, Lemery, at Balete. Nasa P10,000 naman ang ipinagkaloob para sa mga piling magsasaka at mangingida sa lugar. Mula sa Agoncillo,… Continue reading P60-M Presidential assistance ipinagkaloobnsa anim na munisipalidad ng Batangas na naapektuhan ng bagyong Kristine

Marcos Administration, sisiguruhin na hindi na mauulit ang pagkawala ng buhay, dahil sa mga kalamidad

Gagawin ng pamahalaan ang lahat upang masiguro na hindi na mauulit na mayroong mawawalan ng buhay dahil sa mga kalamidad o sakuna na papasok o tatama sa bansa. Sa distribusyon ng Presidential Assistance sa Talisay, Batangas, ngayong araw (November 4), sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakatutok ang gobyerno sa pagpapalakas ng kahandaan… Continue reading Marcos Administration, sisiguruhin na hindi na mauulit ang pagkawala ng buhay, dahil sa mga kalamidad

DOST, magtatayo ng modernong Ivatan House sa Batanes

Isang tradisyonal ngunit modernong bahay ng mga Ivatan ang nakatakdang itayo sa Uyugan, Batanes, na pinondohan ng DOST sa ilalim ng proyektong “Assessment, Development, and Preservation for Typhoon and Earthquake-Resilient Ivatan Houses.” Layunin ng nasabing proyekto na protektahan ang natatanging architectural heritage ng mga Ivatan mula sa mga darating pang kalamidad, lalo na’t daanan ng… Continue reading DOST, magtatayo ng modernong Ivatan House sa Batanes

Mabilis na paglalabas ng Indemnification Payment sa mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine, tiniyak ng DA

Makakaasa ang mga magsasakang apektado ng Bagyong Kristine ng agarang tulong sa Department of Agriculture. Ito kasunod ng direktiba ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Philippine Crop Insurance Corp. na mabilis na irelease ang indemnification payment sa mga magsasakang may insured na lupa. Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, nasa… Continue reading Mabilis na paglalabas ng Indemnification Payment sa mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine, tiniyak ng DA

P107-M TUPAD, naipamahagi ng DOLE sa higit 24k benepisyaryo na apektado ng mga nagdaang bagyo sa Bicol

Aabot sa mahigit P107-M halaga ng tulong pinansyal ang naipamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa mahigit 24,000 indibidwal na apektado ng mga nagdaang bagyo sa rehiyon. Sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage (TUPAD) Workers, higit sa 23,000 benepisyaryo mula sa probinsya ng Camarines Sur ang nakinabang sa P100.9-M,… Continue reading P107-M TUPAD, naipamahagi ng DOLE sa higit 24k benepisyaryo na apektado ng mga nagdaang bagyo sa Bicol

CDRRMO, magsasagawa ng collapsed structure training sa Davao City

Nakatakdang magsagawa ng collapsed structure rescue training ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Davao City. Ayon kay Rudy Encabo, information officer ng CDRRMO, nasa 40 personnel ang nakatakdang isailalim sa training na pangungunahan ng mga eksperto mula sa AFP… Continue reading CDRRMO, magsasagawa ng collapsed structure training sa Davao City