DSWD, naghatid pa ng family food packs sa mga sinalanta ni bagyong Leon sa Batanes

Nakapaghatid pa ng karagdagang family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batanes na sinalanta ng Bagyong #LeonPH. Ayon sa DSWD Region 2 may 500 food packs ang hinatid sakay ng C295 Aircraft ng Philippine Air Force, sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Civil Defense (OCD). Habang 1,160 Family… Continue reading DSWD, naghatid pa ng family food packs sa mga sinalanta ni bagyong Leon sa Batanes

Agarang tulong para sa mga sinalanta ng bagyong Leon sa Cagayan Valley at Batanes, tiniyak ng OCD

Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na nagpapatuloy ang pagpapadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Leon sa Batanes at Cagayan Valley. Sa isang pahayag, sinabi ni OCD Region 2 Director Leon Rafael, na naging malala ang pinsala ng bagyo sa mga nabanggit na lugar, partikular na sa mga kabahayan at pananim. Handa… Continue reading Agarang tulong para sa mga sinalanta ng bagyong Leon sa Cagayan Valley at Batanes, tiniyak ng OCD

Pinaigting na seguridad, ipinatutupad ng Coast Guard sa mga pwerto ngayong Undas 2024

Mahigit 200 personnel ng Philippine Coast Guard Station Iloilo ang naka-deploy sa mga pwerto at pantalan sa siyudad at probinsya ng Iloilo ngayong Undas. Ayon kay Ensign El John Ga, Deputy Station Commander for Administration ng CGS-Iloilo, 73 ang naka-deploy sa mga pwerto sa syudad at 150 naman ang naka-deploy sa probinsya ng Iloilo. Bago… Continue reading Pinaigting na seguridad, ipinatutupad ng Coast Guard sa mga pwerto ngayong Undas 2024

12 electric coops, naapektuhan ng Super Typhoon Leon — NEA

Iniulat ng National Electrification Administration (NEA) na aabot sa 12 electric cooperatives (ECs) ang apektado ng hagupit ng Super Typhoon Leon. Naitala ito sa 11 probinsya sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at CAR. Sa tala ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), nananatiling walang koneksyon ang Batanes Electric Cooperative habang partial… Continue reading 12 electric coops, naapektuhan ng Super Typhoon Leon — NEA

“Bagong Pilipinas Information and Serbisyo Caravan” ng pamahalaan, umarangkada sa Lanao del Norte

Umarangkada na rin ang ‘Bagong Pilipinas Information and Serbisyo Caravan’ ng pamahalaan sa Barangay Kiazar, Tagoloan, sa Lalawigan ng Lanao del Norte. Tinatampok dito ang iba’t ibang mga serbisyo mula sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), Philippine Statistics Authority… Continue reading “Bagong Pilipinas Information and Serbisyo Caravan” ng pamahalaan, umarangkada sa Lanao del Norte

Mahigit 13,000 na galon ng malinis na tubig, naipamahagi ng MMDA sa mga residenteng apektado ng bagyong Kristine sa CamSur

Umabot na sa mahigit 13,000 na galon ng malinis na inuming tubig ang naipamahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga residente ng Camarines Sur na naapektuhan ng Bagyong Kristine. Namahagi ang MMDA humanitarian team ng tulong sa halos 3,000 pamilya sa iba’t ibang barangay sa lalawigan. Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang… Continue reading Mahigit 13,000 na galon ng malinis na tubig, naipamahagi ng MMDA sa mga residenteng apektado ng bagyong Kristine sa CamSur

Party-list solon, nagpaabot ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya ng mga biktima ng landslide sa Batangas

Nagpaabot ng tulong si OFW Party-list Rep. Marissa Magsino sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Batangas. Partikular niyang binisita ang munisipalidad ng Laurel, Talisay, Tanauan, Malvar, at Balete. Bukod sa relief supplies, may ipinagkaloob din siyang tulong pinansyal sa pitong pamilya na ang mga kaanak ay nasawi dahil sa landslide sa Talisay. Bilang tubong… Continue reading Party-list solon, nagpaabot ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya ng mga biktima ng landslide sa Batangas

DPWH Region-9, nagsagawa ng proactive measures para matiyak ang ligtas na biyahe ng mga motorista ngayong Undas

Nagsagawa ngayon ng proactive measures o maagap na hakbang ang Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) para matiyak ang ligtas na biyahe ng manlalakbay sa panahon ng Undas. Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional Director ng DPWH-9, mayroon silang inilatag na Lakbay-Alalay Motorists Assistance Teams sa estratehikong mga lugar sa loob ng rehiyon.… Continue reading DPWH Region-9, nagsagawa ng proactive measures para matiyak ang ligtas na biyahe ng mga motorista ngayong Undas

100% na supply ng kuryente sa Catanduanes, naibalik na

Naibalik na ng First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) ang 100% na suplay ng kuryente sa buong Lalawigan ng Catanduanes. Ayon sa huling ulat ng FICELCO, naisaayos na nila ngayong araw, Oktubre 31, ang mga linya nilang naapektuhan ng bagyong Kristine. Sa kabuuan ay aabot ito sa 60,589 na mga tahanan ang muling napailawan. Sa huli… Continue reading 100% na supply ng kuryente sa Catanduanes, naibalik na

CamNorte solon, nagpasalamat sa Aboitiz Foundation at PAGCOR sa dagdag na relief packs para sa mga sinalata ng bagyong Kristine sa lalawigan

Malaki ang pasasalamat ni Camarines Norte Representative Josie Tallado sa pagtugon ng PAGCOR at Aboitiz Foundation, para makapagbigay tulong sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Unang Distrito ng Camarines Norte. Nitong isang araw, dumating ang donasyong 25,000 kilograms na bigas mula Aboitiz Foundation. Agad na ini-repack ang naturang bigas kasama ang canned… Continue reading CamNorte solon, nagpasalamat sa Aboitiz Foundation at PAGCOR sa dagdag na relief packs para sa mga sinalata ng bagyong Kristine sa lalawigan