Power transmission ng NGCP, hindi naapektuhan ng 5.1 magnitude na lindol sa Surigao del Sur

Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang serbisyo ng power transmission sa Mindanao grid sa kabila ng tumamang ng 5.1 magnitude na lindol sa Madrid, Surigao del Sur kaninang hatinggabi. Ayon sa NGCP, wala namang naitalang power interruptions sa lugar na mai-uugnay sa nangyaring pagyanig. Agad rin aniya silang… Continue reading Power transmission ng NGCP, hindi naapektuhan ng 5.1 magnitude na lindol sa Surigao del Sur

Higit ₱3-m halaga ng ayuda, nailaan na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Amang

Aabot na sa ₱3.7-milyong halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang apektado ng bagyong Amang. Kabilang rito ang nasa higit 7,000 family food packs na naihatid sa Camarines Sur at sa Guinobatan, Albay. Bukod sa Bicol Region, tuloy-tuloy rin ang koordinasyon ng ahensya sa iba… Continue reading Higit ₱3-m halaga ng ayuda, nailaan na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Amang

Higit P217-M na halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng Mindoro oil spill, naipamahagi na

Umakyat na sa P217 milyon na halaga ng tulong ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente ng oil spill, bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, ika-28 ng Pebrero. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DSWD Asec. Romel Lopez na kabilang na dito… Continue reading Higit P217-M na halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng Mindoro oil spill, naipamahagi na

PNP Chief, pinangunahan ang pagbubukas ng 2 bagong police prov’l office sa Maguindanao

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pagbubukas ng bagong Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte Provincial Office sa Regional Headquarters ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa Camp BGen. Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao Del Norte. Kasabay ito ng pag-biyak sa Maguindanao sa dalawang bagong lalawigan alinsunod sa Republic… Continue reading PNP Chief, pinangunahan ang pagbubukas ng 2 bagong police prov’l office sa Maguindanao

Ilan pang fixer sa LTO, bistado

Muling pinaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko na huwag nang tangkilikin ang mga fixer kung may transaksyon sa ahensya. Kasunod ito ng pagkaka-aresto sa ilang mga umano’y fixer sa magkahiwalay na insidente sa Iloilo at Bicol. Katuwang ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Iloilo, nahuli ng LTO Region… Continue reading Ilan pang fixer sa LTO, bistado

Mga mangingisda sa Zambales na apektado ng “No Sail Policy”, tutulungan ng AFP

Pagkakalooban ng tulong ng Armed Forces of the Philippines ang mga mangingisda sa Zambales na pansamantalang nawalan ng hanap-buhay dahil sa “no sail policy” na ipinatutupad sa isinasagawang Balikatan 38 – 2023 Joint Military Exercise. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, nakikipag-ugnayan na ang militar sa pamahalaan ng Zambales para matulungan ang mga apektadong… Continue reading Mga mangingisda sa Zambales na apektado ng “No Sail Policy”, tutulungan ng AFP

DSWD, naghatid ng ayuda sa mga na-stranded na pasahero dahil sa Bagyong Amang

Namahagi rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa ilang mga indibidwal na na-stranded sa biyahe dahil sa mga pag-ulang dulot ng Bagyong Amang. Sa ulat ng DSWD Field Office V, aabot sa 63 family food packs ang naiabot nito sa mga nastranded na pasahero sa Pio Duran, Albay at Mobo, Masbate.… Continue reading DSWD, naghatid ng ayuda sa mga na-stranded na pasahero dahil sa Bagyong Amang

Pinsala ng Tropical Depression Amang sa agrikultura, nasa Php12.34 million na — DA

Nakapagtala na ng inisyal na Php12.34 milyon na pinsala sa sektor ng agrikultura ang Department of Agriculture (DA), dulot ng tropical depression Amang. Base sa initial assessment ng DA-Regional Field Office 5, kabilang sa mga nasirang pananim ay mga palay, high value crops, at livestock sa Camarines Sur at Sorsogon. May1,324 magsasaka at 1,096.6 ektaryang… Continue reading Pinsala ng Tropical Depression Amang sa agrikultura, nasa Php12.34 million na — DA

Operasyon ng transmission lines ng NGCP, nananatiling normal sa kabila ng pagtama ng bagyong Amang

Walang naitalang pinsala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission lines at mga pasilidad nito sa bansa. Ito sa kabila pa ng mga pag-ulan na dulot ng bagyong Amang. Mula kaninang madaling araw, wala pang natatanggap na ulat ang NGCP na may naitalang pinsala sa mga pasilidad. Gayunman, nananatiling nakaalerto ng kumpanya… Continue reading Operasyon ng transmission lines ng NGCP, nananatiling normal sa kabila ng pagtama ng bagyong Amang

May-ari ng lokal na radio station sa Albay. humihingi ng hustisya matapos ipatigil ang kanilang operasyon

Umaapela sa National Telecommunications Commission ang may-ari ng Zagitsit FM Radio station sa Albay na payagan silang mag-broadcast matapos itong ipasara kamakalawa. Sa isang interview, sinabi ni Mr. Jun Alegre, Chief Executive Officer ng Zagitsit FM Radio Station, ito na ang ikalawang pagkakataon na sila ay ipinasara ng NTC. Base sa cease and desist order… Continue reading May-ari ng lokal na radio station sa Albay. humihingi ng hustisya matapos ipatigil ang kanilang operasyon