Search, Rescue, and Retrieval teams ng CamaSur, idedeploy sa iba’t ibang lugar sa buong lalawigan bilang paghahanda sa bagyong Pepito

Puspusan na ang paghahanda sa lalawigan ng Camarines Sur para sa pagtama ng bagyong Pepito. Ayon kay Cam Sur Rep. LRay Villafuerte, ngayon pa lang ay nagdeploy na ang provincial government ng 40 evacuation teams sa mga high-risk areas sa CamSur, partikular ang mga nalubov noong Severe Tropical Storm Kristine. Bukas naman ay idedeploy na… Continue reading Search, Rescue, and Retrieval teams ng CamaSur, idedeploy sa iba’t ibang lugar sa buong lalawigan bilang paghahanda sa bagyong Pepito

Mga simbahan sa Catanduanes, bukas para sa evacuees

Inanunsiyo ngayon ng Diocese of Virac na bukas ang kanilang mga simbahan sa Catanduanes para sa mga kinakailangang magsilikas dahil sa bagyong #PepitoPH. Ayon sa pahayag ng Diocese, sa marami nang nagdaang henerasyon, ang kanilang mga simbahan ay naging kanlungan at ‘safe haven’ para sa lahat regardless kung ano man ang paniniwala o relihiyon ng… Continue reading Mga simbahan sa Catanduanes, bukas para sa evacuees

Halos 1K na Pasahero, stranded sa mga pantalan sa Bicol dahil sa Bagyong Pepito

Nadagdagan pa ang mga na-stranded sa mga pantalan sa rehiyong Bicol dulot ng bagyong #PepitoPH. Sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD-5) Bicol, nasa 992 na ang bilang ng mga pasahero na nasa iba’t ibang pantalan sa rehiyon. Pinakamarami ang naistranded sa Matnog Port na nasa 805, nasa 92 naman sa Pilar Port,… Continue reading Halos 1K na Pasahero, stranded sa mga pantalan sa Bicol dahil sa Bagyong Pepito

Pre-emptive evacuation, sinimulan nang ipatupad sa Virac, Catanduanes

Sinimulan nang ipatupad ngayong hapon ng lokal na pamahalaan ng Virac ang pre-emptive evacuation para sa mga pamilyang naninirahan sa mga delikadong lugar, partikular sa mga flood/landslide-prone areas. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay MDRRMO Virac Operations Head Mark Matira, sinabi nitong handa at bukas na ang evacuation centers ng bawat barangay sa Virac, kabilang… Continue reading Pre-emptive evacuation, sinimulan nang ipatupad sa Virac, Catanduanes

DSWD, handa sa posibleng epekto ng bagyong Pepito sa Region 8

Photo by DSWD Eastern Visayas

Higit 81,000 family food packs (FFPs) ang naka-preposisyon na sa iba’t ibang strategic areas sa mga bayan ng Rehiyon 8 ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas, sa posibleng maging epekto ng Severe Tropical Storm “Pepito” sa rehiyon. Ito ay batay sa pinakahuling ulat na ipinalabas ng DSWD 8. Ang… Continue reading DSWD, handa sa posibleng epekto ng bagyong Pepito sa Region 8

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Samar, ipinagpaliban na rin dahil sa banta ng bagyong Pepito

Bilang pagsunod sa abiso ng Eastern Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, nagdesisyon ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair National Secretariat na ipagpaliban muna ang BPSF Samar. Dapat ay sa Sabado, November 16 ito idaraos, ngunit bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Pepito ay iuurong ito sa susunod na linggo. Dahil sa inaasahang magkakaroon… Continue reading Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Samar, ipinagpaliban na rin dahil sa banta ng bagyong Pepito

Probinsya ng Batangas, naghahanda na sa bagyong Pepito

Puspusan ang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa paparating na bagyong Pepito. Isinagawa ang Camp Management Orientation ng tangapan ng City Social Welfare and Development sa syudad ng Calaca, Batangas. Layon nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang lahat ng provincial employees na naka assign sa mga evacuation centers sa pagdating ng bagyo.… Continue reading Probinsya ng Batangas, naghahanda na sa bagyong Pepito

Inter-Agency Coordinating Cell sa ilalim ng OCD, nakatutok sa galaw ng mga bagyong Ofel at Pepito

Puspusan ang ginagawang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan kasama ang mga Lokal na Pamahalaan sa pagtutok sa mga bagyong Ofel at Pepito. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Administrator, USec. Ariel Nepomuceno, halos wala nang uwian at hindi na rin naghihiwalay ang mga bumubuo ng Inter-Agency Coordinating Cell sa Kampo Aguinaldo. Paliwanag… Continue reading Inter-Agency Coordinating Cell sa ilalim ng OCD, nakatutok sa galaw ng mga bagyong Ofel at Pepito

Nasa1,700 pamilya, posibleng ilikas sa Buhi, CamSur dahil sa Bagyong Pepito

Tinatayang nasa 1,700 na pamilya ang posibleng ilikas sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kaugnay ng paghahanda ng Lokal na Pamahalaan sa banta ng bagyong Pepito. Una rito, nagpulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pamumuno ni Buhi Mayor Rey Lacoste kahapon, November 14, 2024, at isa sa napag-usapan dito ay… Continue reading Nasa1,700 pamilya, posibleng ilikas sa Buhi, CamSur dahil sa Bagyong Pepito

Mga sasakyang Pandagat sa Bicol, kanselado na dahil sa bagyong Pepito

Bilang pag-iingat sa paparating na Bagyong “Pepito,” inabisuhan ang lahat ng marinero at mga naglalayag na sasakyang pandagat na suspendido ang biyahe sa mga ruta sa loob ng hurisdiksyon ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Camarines Norte, at Catanduanes. Epektibo ito simula alas-6 ng umaga ngayong November 15, 2024, matapos itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal… Continue reading Mga sasakyang Pandagat sa Bicol, kanselado na dahil sa bagyong Pepito