Kontruksiyon ng ₱70-M na bagong diversion road sa Zamboanga Sibugay, nagpapaunlad sa kabuhayan ng mga magsasaka

Malaking tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka ang bagong diversion road na ipinagawa ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) sa Barangay Culasian, sa bayan ng Titay, sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Ang naturang kalsada ay nagkakahalaga ng ₱70-M, kung saan ang pondo ay hinango mula sa General Appropriations Act (GAA)… Continue reading Kontruksiyon ng ₱70-M na bagong diversion road sa Zamboanga Sibugay, nagpapaunlad sa kabuhayan ng mga magsasaka

NLEX, handa na sa pagdagsa ng mga motorista ngayong holiday season

Magdaragdag ng mga tauhan ang pamunuan ng NLEX-SCTEX bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga motoristang bibiyahe ngayong holiday season. Bahagi ito ng pagpapatupad ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program kung saan nasa karagdagang 1,500 personnel ang ipakakalat sa buong expressway. Ito ay upang masiguro na matutugunan ang inaasahang mas malaking traffic volume… Continue reading NLEX, handa na sa pagdagsa ng mga motorista ngayong holiday season

26 volcanic earthquakes, naitala sa bulkang Kanlaon

Muli pang nagtala ng mga pagyanig o volcanic earthquakes ang Mt. Kanlaon sa Negros Island. Batay sa update ng PHIVOLCS, mayroong 26 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras. Nasa 4,555 tonelada rin ng asupre o sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan habang patuloy rin ang pamamaga ng bulkan.… Continue reading 26 volcanic earthquakes, naitala sa bulkang Kanlaon

Mga residente sa Negros Occidental, pinag-iingat sa banta ng lahar flow mula sa Bulkang Kanlaon kasabay ng inaasahang malakas na pag-ulan sa Visayas Region

Pinaalalahanan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente sa Negros Occidental na mag-ingat at maging mapagbantay sa banta ng lahar flow mula sa Bulkang Kanlaon, kasabay ng inaasahang malakas na pag-ulan sa Visayas Region. Ayon kay Raul Fernandez, Director ng OCD Western Visayas at pinuno ng Regional Task Force Kanlaon, kailangang maging alerto… Continue reading Mga residente sa Negros Occidental, pinag-iingat sa banta ng lahar flow mula sa Bulkang Kanlaon kasabay ng inaasahang malakas na pag-ulan sa Visayas Region

DSWD, nagbukas ng 14 na bagong warehouse sa CALABARZON

Nagbukas pa ng 14 na bagong warehouse ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang panig ng CALABARZON. Ayon kay DSWD Field Office CALABARZON Regional Resource Operation Section Head Jessie Jerusalem, sa pamamagitan nito mas mapabilis pa ang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad. Ang mga nasabing warehouse ay magsisilbing… Continue reading DSWD, nagbukas ng 14 na bagong warehouse sa CALABARZON

TELCO Company, isinusulong ang kanilang adbokasiyang palakasin ang STEM strand

Itutulak ng Globe Telecom Inc. ang kanilang adbokasiya para palakasin ang edukasyon, lalo na sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ngayong 2025. Ito ang inihayag ni Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer Yoly C. Crisanto sa kanyang mensahe sa Davao Media. Ayon kay Crisanto, nais nilang palakasin ang kaalaman ng kabataan sa… Continue reading TELCO Company, isinusulong ang kanilang adbokasiyang palakasin ang STEM strand

DOH Caraga, nanawagan sa publiko para sa ligtas at malusog na pagdiriwang ng Kapaskuhan; white code alert, ipinatupad

Ipinatupad na ng Department of Health o DOH Caraga Regional Office ang white code alert sa buong rehiyon ngayong panahon ng Kapaskuhan hanggang sa bagong taon. Ibig sabihin, bukas ang mga pampublikong ospital sa publiko sa loob ng 24 oras araw-araw at may kumpletong health workers na naka-duty. Nilinaw ni Dr. Karen Durac, Medical Officer… Continue reading DOH Caraga, nanawagan sa publiko para sa ligtas at malusog na pagdiriwang ng Kapaskuhan; white code alert, ipinatupad

Albay, inilunsad ang checkpoints upang pigilan ang pagpasok ng bird flu

Nananatiling avian o bird flu-free ang lalawigan ng Albay, ayon sa Albay Veterinary Office (AVO). Sa kabila ng isang naitalang kaso ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa karatig lalawigan ng Camarines Norte, tiniyak ng AVO na walang kaso ng bird flu sa anumang bayan o lungsod sa Albay. Ayon kay Dr. Manny G. Victorino,… Continue reading Albay, inilunsad ang checkpoints upang pigilan ang pagpasok ng bird flu

Siyam na warehouse, sinalakay ng BoC sa Bulacan, libu-libong sako ng mga smuggled na bigas, nakumpiska

Nakumpiska ng Bureau of Customs Intelligence Group-Customs Intelligence and Investigation Service ng Manila International Container Port ang libu-libong sako ng imported na bigas sa sinalakay na siyam na warehouse sa Balagtas Bulacan. Ang ginawang pagsalakay ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pang. Bongbong Marcos Jr na sugpuin ang smuggling lalo na sa mga produktong agrikultura.… Continue reading Siyam na warehouse, sinalakay ng BoC sa Bulacan, libu-libong sako ng mga smuggled na bigas, nakumpiska

126 Pamilya sa General Luna, Quezon, nagtapos sa 4Ps Program

Nagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang 126 na pamilyang benepisyaryo sa General Luna, Quezon, sa isinagawang Pugay Tagumpay Graduation Ceremony kamakailan. Ayon sa pabatid ng DSWD Calabarzon, sa seremonya ay tinanggap ng lokal na pamahalaan ang mga nagsipagtapos para sa after care services, upang matiyak na mapananatili ang maayos na antas ng… Continue reading 126 Pamilya sa General Luna, Quezon, nagtapos sa 4Ps Program