Masbate, tatlong beses niyanig ng lindol ngayong umaga -PHIVOLCS

Tatlong magkasunod na lindol ang naitala sa lungsod ng Masbate ngayong umaga. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-6:21 ng umaga nang unang yanigin ng magnitude 4.1 ang lungsod. Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometro sa Hilagang-Kanluran ng Masbate. May lalim na 8 kilometro ang pinagmulan nito… Continue reading Masbate, tatlong beses niyanig ng lindol ngayong umaga -PHIVOLCS

Bulkang Taal, nagdudulot pa rin ng volcanic smog o vog -Phivolcs

Nakitaan pa rin ng volcanic smog o vog ang bulkang Taal sa Batangas. Batay ito sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ngayong umaga. Pero kumpara sa inilabas na 4,600 na tonelada ng sulfur dioxide ng bulkang Taal noong Setyembre 21, bumaba na sa 2,730 tonelada ang ibinuga nito kahapon. Ayon… Continue reading Bulkang Taal, nagdudulot pa rin ng volcanic smog o vog -Phivolcs

Surallah, South Cotabato, niyanig ng magnitude 5 na lindol kaninang madaling araw

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Surallah sa South Cotabato kaninang pasado alas-3:00 ng madaling araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 9 na kilometro sa Timog-Kanluran ng bayan ng Surallah. May lalim na siyam na kilometro at tectonic ang pinagmulan. Naramdaman… Continue reading Surallah, South Cotabato, niyanig ng magnitude 5 na lindol kaninang madaling araw

Prieto Diaz sa Sorsogon, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol kaninang madaling araw – PHIVOLCS

Naramdaman sa maraming lugar sa Bicol region at iba pang lugar ang nangyaring pagyanig kaninang alas-2:35 ng madaling araw na may lakas na magnitude 4.7. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometro sa Timog-Silangan ng bayan ng Prieto Diaz sa Sorsogon. Tectonic ang pinagmulan… Continue reading Prieto Diaz sa Sorsogon, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol kaninang madaling araw – PHIVOLCS

Matinding buhos ng ulan nitong nakaraang sabado, tinitingnang dahilan ng PHIVOLCS sa pagguho ng lupa sa Sitio Corote, Malagutay, sa Zamboanga City

Tinitingnang dahilan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Region IX ang matinding buhos ng ulan nitong nakaraang Sabado ang sanhi ng pagguho ng lupa sa Sitio Corote, Purok 5, sa lungsod ng Zamboanga kahapon. Ayon kay PHIVOLCS IX Regional Field Officer Engr. Alan Labayog, nagpapatuloy pa rin ang pagguho ng lupa dahil kumpara… Continue reading Matinding buhos ng ulan nitong nakaraang sabado, tinitingnang dahilan ng PHIVOLCS sa pagguho ng lupa sa Sitio Corote, Malagutay, sa Zamboanga City

Nangyaring lindol sa Sabtang, walang dalang pinsala ayon sa Phivolcs

Asahan pa ang mga aftershocks sa bahagi ng Sabtang, Batanes matapos ang magnitude 5.7 na lindol na nangyari bago mag alas-10:00 ngayong umaga. Paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang dalang pinsala ang lindol na tumama sa bahagi ng karagatan. Ayon sa ulat, natunton ang epicenter ng lindol sa layong 38… Continue reading Nangyaring lindol sa Sabtang, walang dalang pinsala ayon sa Phivolcs

Bulkang Mayon, nagtala pa ng higit 200 volcanic earthquake

Nananatili pa ring mataas ang aktibidad ng Mayon Volcano sa Legaspi, Albay. Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala pa ang bulkan ng 221 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras kabilang ang 111 tremor events na tumagal ng isa hanggang 28 minuto. Ilan sa mga tremors ay may kasamang… Continue reading Bulkang Mayon, nagtala pa ng higit 200 volcanic earthquake

Pamamaga ng Bulkang Mayon patuloy na naitatala; bilang ng rockfall events, tumaas pa

Mahigit isang buwan nang nagpapakita ng abnormalidad ang Bulkang Mayon. Sa patuloy na pamamaga nito ay siya ring pagdaloy ng lava flow. Hindi pa rin naibababa ang alert status ng bulkan dahil sa pagpapakita nitong mataas na tiyansa ng pagputok. Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ng mas maraming bilang ng rockfall events na aabot… Continue reading Pamamaga ng Bulkang Mayon patuloy na naitatala; bilang ng rockfall events, tumaas pa

Ika-33 taong anibersaryo ng 1990 Luzon Earthquake, ginugunita ngayong araw ng PHIVOLCS

Ginugunita ngayong araw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ika-33 taong anibersaryo ng malakas na lindol na tumama sa bahagi ng Northern at Central Luzon noong Hulyo 16, 1990. Bandang alas-4:26 ng hapon nang mangyari ang 7.8 magnitude earthquake na kumitil sa higit 1,200 buhay at nakapaminsala ng imprastraktura ng aabot sa… Continue reading Ika-33 taong anibersaryo ng 1990 Luzon Earthquake, ginugunita ngayong araw ng PHIVOLCS

Bulkang Mayon, patuloy pa ring naglalabas ng lava pero mabagal na dumadaloy -PHIVOLCS

Patuloy pang naglalabas ng lava ang bulkang Mayon sa Legaspi, Albay. Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aabot na sa 2,800 at 1,300 kilometro ang haba ng dumadaloy na lava sa Mi-isi at Bonga gullies at nakapagdeposito na ng collapse debris ng 4,000 metro na mula sa crater. Sa nakalipas… Continue reading Bulkang Mayon, patuloy pa ring naglalabas ng lava pero mabagal na dumadaloy -PHIVOLCS