Price ceiling ng bigas sa QC, imo-monitor ng Quezon City Price Coordinating Council

Tiniyak ng Quezon City Price Coordinating Council (QCPCC) na babantayan nito ang ipinatutupad na mandated price ceiling sa bigas sa lungsod alinsunod sa Executive Order 39. Sisiguruhin nito na nasusunod ang inilabas na mandato sa lungsod. Dahil dito, inaasahan na ng QCPCC ang pakikiisa ng mga dealer, wholesaler, at retailer ng bigas sa itinakdang price… Continue reading Price ceiling ng bigas sa QC, imo-monitor ng Quezon City Price Coordinating Council

Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC

Kinumpirma ng Korte Suprema na empleyado nila ang nag-viral na dating pulis na nanakit ng isang biker sa Quezon City kamakailan. Sa sertipikasyon na nilagdaan ni Wilhelmina Aileen B. Mayuga, Judicial Staff Head ng Office of Associate Justice Ricardo R. Rosario, kinumpirma ng SC na empleyado nila ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales sa… Continue reading Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC

Bilang ng mga namatay sa sakit na leptospirosis sa Quezon City, tumaas pa

Umabot na sa 19 ang bilang ng mga namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon. Sa kabuuang bilang ng nasawi, 6 dito ay mula sa District 6, 5 sa District 2, 3 sa District 4, tig-dalawa sa District 2 at 5 at 1 sa District 1. Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease… Continue reading Bilang ng mga namatay sa sakit na leptospirosis sa Quezon City, tumaas pa

Barangay Chairman at buong Konseho ng isang barangay sa QC, inireklamo sa Ombudsman

Patong-patong na kaso ang isinampa sa Office of the Ombudsman ng isang Barangay Kagawad laban sa Chairman at anim na kagawad ng Barangay Kaligayahan sa Novaliches, Quezon City. Kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Falsification of Public Documents, at Grave Misconduct ang isinampa ni Kagawad Allan Butch Francisco Jr. laban kay Barangay Chairman… Continue reading Barangay Chairman at buong Konseho ng isang barangay sa QC, inireklamo sa Ombudsman

COVID-19 cases sa QC, patuloy ang pagbaba

Paunti na ng paunti ang kaso ng COVID-19 sa lungsod Quezon. Ayon sa OCTA Research, nasa 6 na lamang ang naitatalang bilang ng kaso sa lungsod kada araw. Bahagya namang tumaas ang positivity rate sa 2.1% mula sa dating 1.9%. Ang positivity rate ay ang bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.… Continue reading COVID-19 cases sa QC, patuloy ang pagbaba

Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, nadagdagan pa

Nasa sampu (10) na ang namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon. Sa tala ng Quezon City Epidemiology Disease and Surviellance Unit, apat (4) sa mga namatay ay mula sa barangay Sauyo, Culiat, Pasong Tamo at Talipapa sa District 6. Tatlo (3) naman sa District 2, dalawa (2) sa barangay Batasan at isa (1)… Continue reading Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, nadagdagan pa

16 na barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig, simula sa lunes -Maynilad

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services sa mga costumers nito kaugnay sa ipatutupad na water service interruption sa Quezon City simula sa Lunes. Ayon sa Maynilad may isasagawa silang network maintenance sa mga apektadong lugar. Kabilang sa mawawalan ng suplay ng tubig ang barangay Payatas, mula Agosto 7 ng gabi hanggang alas 5:00 umaga ng… Continue reading 16 na barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig, simula sa lunes -Maynilad

Quezon City, itinaas na sa ‘Yellow Alert’ dahil sa bagyong #EgayPH – QCDRRMO

Itinaas na sa “Yellow Alert” status ang Quezon City dahil kay bagyong #EgayPH. Ibig sabihin, may mga paghahanda nang ginagawa ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) matapos itaas ang tropical cyclone wind signal #1 ang Metro Manila. Ayon kay QCDRRMO Spokesperson Pechie de Leon, may koordinasyon na sila sa lahat ng… Continue reading Quezon City, itinaas na sa ‘Yellow Alert’ dahil sa bagyong #EgayPH – QCDRRMO

Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

Isa pa ang namatay sa sakit na dengue sa lungsod Quezon. Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, ang bagong kaso ng nasawi ay mula sa Barangay Sto Domingo sa District 1. Base sa tala ng CESU, dalawa na ang nasawi sa lungsod, una ay mula sa Barangay Pinyahan sa District 4. Sa… Continue reading Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

CHR, naalarma sa panibagong kaso ng hazing sa Quezon City

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinakabagong insidente ng hazing sa Quezon City. Nais ng CHR na mabigyan ng hustisya ang menor de edad na biktima ng hazing na nagresulta ng kanyang pagka-ospital. Base sa preliminary investigation report ng Quezon City Police District, hinimatay ang biktima dahil hindi nito matiis ang pananakit… Continue reading CHR, naalarma sa panibagong kaso ng hazing sa Quezon City