PDEA, sinunog ang nasa mahigit 3 tonelada ng ilegal na droga sa isang waste facility sa Trece Martires City, Cavite

Umabot sa halos apat na tonelada o 3.7 tons ng ilegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang waste facility sa Trece Martires City sa lalawigan ng Cavite kahapon. Ayon kay PDEA Director General Virgilio Lazo, ang naturang timbang ng ilegal na droga ay nagkakahalaga ng aabot sa 20 bilyong… Continue reading PDEA, sinunog ang nasa mahigit 3 tonelada ng ilegal na droga sa isang waste facility sa Trece Martires City, Cavite

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱21-M ayuda sa mga apektado ng oil spill

Sumampa pa sa higit ₱21-milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng oil spill. Ibinigay ang ayuda sa mga residente mula sa 126 na apektadong baragay sa MIMAROPA at Western Visayas. Kaugnay nito, sa pinakahuling datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱21-M ayuda sa mga apektado ng oil spill

69% ng mga unvaxxed, di pa rin kumbinsidong magpabakuna vs. COVID-19 — SWS

Bagamat higit tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magsimulang kumalat ang pandemya sa Pilipinas, nananatiling nag-aalinlangan pa rin ang ilang mga Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19. Batay sa pinakahuling SWS survey, na isinagawa mula December 10-14, 2022, lumalabas na 69% ng unvaccinated na Pilipino ang ayaw pa ring magpabakuna. Nasa 12% naman ang handa… Continue reading 69% ng mga unvaxxed, di pa rin kumbinsidong magpabakuna vs. COVID-19 — SWS

Backyard farming, di na dapat gawin para malabanan ang ASF — Pres. Marcos Jr.

Hindi kumporme si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa backyard farming. Ang pahayag ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na sugpuin ang problema sa African Swine Fever (ASF). Sinabi ng Pangulo na kailangang magkaroon ng isolation at consolidation hinggil sa pag-aalaga ng baboy para maiwasan ang naturang sakit at hindi… Continue reading Backyard farming, di na dapat gawin para malabanan ang ASF — Pres. Marcos Jr.

Pamahalaan, nagpapatuloy sa pagsasaliksik kung paano mapapalawak ang programang pabahay para sa mga Pilipino — Pres. Marcos Jr.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi tumiitigil ang gobyerno sa pagtuklas ng mga hakbang para mas mapalawak pa ang mithiing mabigyan ng murang pabahay ang mga Pilipino. Ayon sa Punong Ehekutibo, kabilang na dito ang pag-aaral sa kung paano mapopondohan ang proyektong pabahay ng kanyang pamahalaan. Tinitingnan din sabi ng Presidente ang… Continue reading Pamahalaan, nagpapatuloy sa pagsasaliksik kung paano mapapalawak ang programang pabahay para sa mga Pilipino — Pres. Marcos Jr.

Hiling na Leave of Absence ni Rep. Arnie Teves, ipinauubaya na ng liderato ng Kamara sa House Committee on Ethics

Nasa kamay na ng House Committee on Ethics ang desisyon kung pagbibigyan ang dalawang buwan na Leave of Absence na hiling ni Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Sa pahayag ni House Secretary General Reginald Velasco, kaniya nang ipinadala ang letter-request ni Teves sa Ethics committee na pinamumunuan ni COOP NATCCO Representative Felimon Espares.… Continue reading Hiling na Leave of Absence ni Rep. Arnie Teves, ipinauubaya na ng liderato ng Kamara sa House Committee on Ethics