???? ?? ????????? ????????? ???? ???????? ??? ???????? ?? ????? ?? ????, ???? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalubong sila ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Sulu, na namigay ng 25 kilong bigas at food packs ng sardinas at corned beef, katuwang ang Philippine Red Cross-Sulu Chapter na namahagi naman ng lugaw na nagsilbing agahan ng mga nagsidatingan.

Ayon kay Muammar Lakibul, tagapagsalita ng MSSD, sa loob ng naturang bilang, tig-6 dito ang mula sa bayan ng Indanan at Siasi, 16 sa Jolo, 4 sa Kalinggalan Caluang, 7 sa Talipao, 10 sa Luuk, 5 sa Maimbung, 2 sa Omar, 3 sa Panamo at Patikul, 11 sa Pangutaran, tig-1 ang sa Parang, Pata, Lugus at Panglima Estino.

Nakaantabay na ani Lakibul ang kani-kanilang mga sundo nang makauwi na ang mga ito sa kanilang tahanan, maliban na lamang sa mga magtutungo sa Pangutaran na dadalhin muna nila sa kanilang tanggapan habang naghihintay ng biyahe na inaasahan ngayong araw kung saan sasagutin na ng pamahalaan ang kanilang transportasyon.

Dagdag pa ni Lakibul, naisagawa na nila ang profiling sa mga RF hinggil sa bagong programa ng MSSD na magbibigay kabuhayan sa mga umuuwi, base sa kalalabasan ng assessment ng MSWO sa Zamboanga kung saan mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga hindi na muling aalis pa ng bansa.

Sa kabuuan, papalo sa mahigit 470 ang RF na nakauwi ngayong araw kung saan ang karamihan sa mga ito ay uuwi patungo sa probinsiya ng Tawi -Tawi. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us