Nadagdagan pa ng dalawang barangay ang idineklarang drug-cleared sa Lungsod ng Mandaluyong.
Nakamit ng Barangay Barangka Ibaba at Barangay Hagdan Bato Libis ang drug-cleared certification sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency, Mandaluyong Drug Abuse Council, at Philippine National Police.
Dahil dito, 18 mula sa 27 barangay na ang itinuturing na drug-cleared sa lungsod.
Sinabi ng Barangay Anti-Drug Abuse Council, na hindi naging madali ang proseso ng certification lalo at pinaigting ang monitoring sa intervention programs para sa “persons who use drugs” o PWUDs.
Hinimok naman ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr. ang mamamayan, na patuloy na suportahan ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA program ng Department of the Interior and Local Government upang tuluyang masugpo ang problema ng ilegal na droga. | ulat ni Hajji Kaamiño