2 suspect sa pananambang sa isang pulis sa Angono, Rizal, pinaghahanap na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagana na ng Philippine National Police (PNP) ang ‘Oplan Cobweb’ para tutukan ang pananambang sa isang pulis sa Angono, Rizal kahapon. 

Kinilala ng Angono Municipal Police Station ang biktima na si Pems Ignacio Santos na nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) Detective Special Operations Unit (DSOU) sa Camp Crame. 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na habang nagmamaneho si Santos sa bahagi ng Baytown Road sa Brgy. Kalayaan ay nilapitan siya ng dalawang suspect na sakay ng motor at saka pinagbabaril ng ilang beses.

Agad na tumakas ang mga suspect habang naisugod ang biktima sa ospital.

Inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga suspect at ang kanilang motibo sa likod ng pamamaril.  | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

?: Angono MPS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us