Economic interest ng Pilipinas, isa lamang sa mga isusulong ni Pangulong Marcos Jr. sa official working visit sa US

Magiging abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa official working visit sa Estados Unidos sa susunod na linggo. Sisimulan ng Pangulo ang pagbisita sa US sa pakikipagpulong kay US President Joe Biden sa May 1, kung saan kabilang sa mga matatalakay ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa. Kooperasyon sa depensa, seguridad, humanitarian assistance,… Continue reading Economic interest ng Pilipinas, isa lamang sa mga isusulong ni Pangulong Marcos Jr. sa official working visit sa US

SRP sa asukal at paglalagay ng suplay sa Kadiwa stores, tututukan

Inilatag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Azcona ang mga prayoridad na kanyang tututukan sa unang bahagi ng panunungkulan sa ahensya. Sinabi ni Azcona, na una niyang gagawin ang disposal sa mga confiscated na smuggled sugar. Kabilang dito ay ang pagbebenta ng mga nakumpiskang asukal sa mga Kadiwa store. Dagdag pa ni Azcona, tututukan… Continue reading SRP sa asukal at paglalagay ng suplay sa Kadiwa stores, tututukan

Agriculture insurance, isinusulong na maisama sa El Niño plan ng gobyerno

Nais ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na magkaroon ng solusyon sa problema ng mga magsasaka sa agricultural insurance at maisama sa plano ng pamahalaan, para mabawasan ang epekto ng papalapit na El Niño phenomenon. Sa inihaing Senate Resolution 549 ni Villanueva, nais nitong makita ang estado ng agricultural insurance ng gobyerno lalo na at… Continue reading Agriculture insurance, isinusulong na maisama sa El Niño plan ng gobyerno

Sen. Poe, umaasaang matutugunan agad ng Water Resources Management Office ang problema sa suplay ng tubig

Inaasahan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe, na aaksyon na ang Water Resources Management Office (WRMO) para tugunan ang water service interruption na nararanasan ng ilang tahanan at negosyo ngayong naglabas na ng executive order ang Malacañang. Giit ni Poe, sa panahon ng tag-init, ang kawalan ng tubig na inumin, pampaligo… Continue reading Sen. Poe, umaasaang matutugunan agad ng Water Resources Management Office ang problema sa suplay ng tubig

DND OIC Galvez, nagpasalamat sa Pangulo sa pagdalo sa Balikatan

Pinasalamatan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. UnderSecretary Carlito Galvez Jr. ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa tampok na aktibidad ng Balikatan 38-2023, na unang pagkakataon na sinaksihan ng Pangulo ng Pilipinas ang ehersisyo makalipas ang mahigit 10 taon. Inihayag ito ni Galvez sa Closing Ceremony ng… Continue reading DND OIC Galvez, nagpasalamat sa Pangulo sa pagdalo sa Balikatan

Quota system, posibleng dahilan ng gawa-gawang buy bust operation sa Antipolo

Ipinagpatuloy ng House Committee on Public Order ang Safety ang imbestigasyon hinggil sa ilegal at gawa-gawang buy bust operation ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) 4A. Salig ito sa House Resolution 776 ni Antipolo Representative Romeo Acop, dahil sa ilang iregularidad sa dalawang magkahiwalay na drug operations sa Antipolo noong nakaraang taon. Naniniwala… Continue reading Quota system, posibleng dahilan ng gawa-gawang buy bust operation sa Antipolo

DFA, nailikas ang nasa 227 OFWs mula sa bansang Sudan patungong Egypt

Nailikas na ng Department of Foreign Affairs ang nasa 227 na overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Sudan, at kasalukuyang nakarating na sa bansang Egypt. Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo De Vega, ito ay dahil sa tigil putukan kaya nagkaroon ng magandang pagkakataon ang DFA na mailikas na ang mga OFW mula… Continue reading DFA, nailikas ang nasa 227 OFWs mula sa bansang Sudan patungong Egypt

DSWD, nagpaabot na ng tulong sa daan-daang pamilyang nasunugan sa Cavite City

Nabigyan na ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 622 pamilya o 2,027 indibidwal na nasunugan sa barangay 22-Quadra, Cavite City noong Abril 26. Sa ulat ng DSWD, aabot sa Php2.676 million ang halaga ng relief assistance na naipagkaloob sa mga pamilya tulad ng food packs at non-food items. Pagtiyak ni… Continue reading DSWD, nagpaabot na ng tulong sa daan-daang pamilyang nasunugan sa Cavite City

Panukalang K+10+2, agad tatalakayin ng House Committee on Basic Education

Bukas si House Committee on Basic Education Chair Cong. Roman Romulo na talakayin ang bagong K to 12 program na itinutulak ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Tinutukoy nito ang House Bill 7893 o “K + 10 +2” Bill kung saan babalik sa sampung taon ang basic education at… Continue reading Panukalang K+10+2, agad tatalakayin ng House Committee on Basic Education

Kaso ng dengue sa QC, nakitaan ng bahagyang pagtaas

Tumaas pa ang naitatalang kaso ng sakit na dengue sa lungsod Quezon. Hanggang Abril 22 ngayong taon, umabot na sa 769 ang kaso ng dengue. Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology Disease and Surviellance Unit, nadagdagan pa ito ng 40 kaso mula sa 729 noong Abril 15. Tumaas na rin ito ng 160.68%% o… Continue reading Kaso ng dengue sa QC, nakitaan ng bahagyang pagtaas