Umarangkada na ang ikalawang booster shot sa Lungsod ng Maynila sa lahat ng mga Health Centers nito.
Ito’y matapos aprubahan ng Food and Drugs Administration ang emergency use authority ng ikalawang booster para sa general public o 18 anyos pataas.
Hinikayat ng Health Department ng Manila City Hall ang kanilang mga residente na magtungo na sa mga Health Centers at dalhin ang kanilang vaccination card.
Alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes ay maaaring magpabakuna ang sinuman.
Tiniyak din ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na maraming available na doses ng bakuna at sapat ito para bigyan ang mga residente sa lungsod. | ulat ni Michael Rogas