Bagong One Stop Shop ng LTO, binuksan sa isang mall sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas na ang bagong district office ng Land Transportation Office sa Quezon City.

Pinangunahan nina LTO Executive Director Giovanni Lopez, LTO NCR-East Regional Director Benjamin Santiago III at QC Vice Mayor Gian Sotto ang pagpapasinaya sa bagong tanggapan na matatagpuan sa loob ng Centris Station Mall, QC

Tampok dito ang one-stop shop services ng LTO kabilang ang licensing transactions ng mga motoristang kukuha at mag-rerenew ng driver’s license, at magpaparehistro ng sasakyan.

Available na rin dito ang iba pang allied services gaya ng medical, at driving school, at insurance.

Ayon kay LTO Director Santiago, kumpara sa dating pwesto ng QC District Office ay mas moderno at maaliwalas na ang bagong tangggapan.

Nakiusap naman si ED Lopez sa mga kawani ng LTO QC na gawing mas mabilis, at simple ang transaksyon sa bagong tanggapan at masigurong hindi makakapasok ang fixers sa establisyimento.

Samantala, nagpadala naman na ng request ang LTO NCR sa Central Office dahil hanggang katapusan na lang ang suplay ng physical card nito para sa drivers license. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us