BSKE sa Negros Oriental, pinag-aaralan na ng COMELEC kung itutuloy pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Commission in Elections (COMELEC) na masusi nilang pag-aaralan ang mungkahi na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Negros Oriental.

Ang BSKE ay nakatakda sa October 30 ng taong ito.

Pero ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, may mga requirements na kailangan bago ito maisagawa.

Nabatid na salig Sections 5 at 6 ng Omnibus Election Code, ang pagtakda ng halalan na na-postpone o nagkaroon ng failure of election ay dapat na malapit rin sa orihinal na petsa ng halalan.

Hindi rin ito dapat lumagpas sa 30 araw mula ng ma-postpone.

Una rito, ipinananawagan ni Sen Francis Tolentino ang postponement ng BSKS sa Negro Oriental dahil sa kasalukuyang sitwasyong pangpolitika roon kasunod ng pamamaslang kay Governor Roel Degamo. | ulat ni Lorenz Francis Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us