Ibinida ng Criminal Investigation and Detection Group ang pag-aresto ng 61 indibidwal sa 3 araw na operation mula Abril 21 hanggang 23.
Ayon kay CIDG Director Police Brig. General Romeo Caramat, ito’y resulta ng 58 operasyon na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa bilang na ito, 47 manhunt operations ang isinagawa laban sa wanted persons bilang bahagi ng OPLAN Pagtugis na nagresulta sa pagkaaresto ng 9 Most Wanted Persons (MWPs) at 36 Other Wanted Persons (OWPs).
Sa kampanya laban sa loose firearms o OPLAN Paglalansag Omega, apat na suspek ang nahuli sa 5 police operations at narekober ang apat na baril.
Ayon kay Caramat, layon ng kanilang mga inilunsad na operasyon ang pigilan ang mga ilegal na aktibidad upang maging mas ligtas ang mga pamayanan.
Matatandaang sinabi kahapon ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda, na paiigtingin niya ang kampanya laban sa kriminalidad upang maramdaman ng mga mamayan na ligtas sila sa kanilang komunidad alinsunod sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. | ulat ni Leo Sarne