Courtesy resignation ng lahat ng 3rd level officers ng PNP, tapos nang salain ng 5-man advisory group

Facebook
Twitter
LinkedIn


Natapos na ng 5-man Advisory Group na pinamumunuan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pagsala sa lahat ng 953 courtesy resignation na isinumite ng mga 3rd Level Official ng Philippinr National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Red Maranan, ito ay sa pagtatapos ng pang-walo at huling pagpupulong ng advisory group.

Sinabi ni Maranan, na ginawa na ng grupo ang kanilang final report na naglalaman ng kanilang “findings” at rekomendasyon.

Isusumite aniya ang report sa National Police Commission (NAPOLCOM) at kay Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. para sa final na review bago isumite sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Una nang sinabi ni Gen. Azurin, na 917 opisyal ang inirekomenda ni Abalos na tanggihan ang courtesy resignation. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us