COVID-19 weekly positivity rate sa NCR, umakyat sa 10.6% — OCTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagtaas ng naitatalang COVID positivity rate sa Metro Manila.

Ayon sa OCTA Research Group, as of April 23 ay umakyat pa sa 10.6% ang 7-day positivity rate sa NCR kumpara 7.3% noong April 16.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ay umaabot sa higit 3,000 lamang na COVID tests kada araw ang naitatala sa Metro Manila na malayo sa 11,000 na COVID tests noong Abril ng 2022.

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng nahahawaan ng COVID-19 ay nananatili namang mababa ang hospital occupancy sa NCR sa 21%. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us