COVID positivity rate sa NCR, umakyat pa sa 12.3% — Octa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muli na namang tumaas ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Sa datos mula sa independent monitoring group na OCTA Research, umakyat pa sa 12.3% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong April 25.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 8.1% noong nakalipas na linggo.

Nangangahulugan itong bahagyang tumaas ang bilang ng mga tao na nagpositibo sa COVID-19 mula sa bilang ng mga na-test sa rehiyon

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, tumaas din sa 12.9% ang nationwide positivity rate.

Inaasahan namang nitong nasa 800-1000 na mga bagong COVID cases ang maitatala sa bansa ngayong araw.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us