DAR, BJMP, nag-renew ng partnership upang mabawsan ang gutom at kahirapan sa Negros Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling magtutulungan ang Department of Agrarian Reform at Bureau of Jail Management and Penology para sa kanilang misyon na maibsan ang kagutuman at kahirapan sa Negros Occidental.

Isang marketing agreement sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty program, ang nilagdaan na ng DAR at BJMP .

Susuportahan ng dalawang ahensya ang feeding programs at magbibigay ng community meals para sa mga manggagawa.

Sinabi ni Lucrecia Taberna, DAR Western Visayas Assistant Regional Director, na titiyakin nito ang matatag na suplay ng merkado sa mga agrarian reform beneficiary at kanilang organisasyon.

Noong December 4, 2020, ang kolaborasyon sa pagitan ng DAR Negros Occidental 1 at ng BJMP ay nagkasundo ng isang taong-termino na marketing agreement.

Ito ay nakapagbigay ng annual income na Php226,803 para sa taong 2021 sa may 15 ARB organizations katuwang ang 10 BJMPs.

Ang programa ay na-renew noong March 25, 2022, na kinabibilangan ng 11 ARBOs at 11 partner BJMP. Natapos ang programa noong December 2022. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us