Namahagi rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa ilang mga indibidwal na na-stranded sa biyahe dahil sa mga pag-ulang dulot ng Bagyong Amang.
Sa ulat ng DSWD Field Office V, aabot sa 63 family food packs ang naiabot nito sa mga nastranded na pasahero sa Pio Duran, Albay at Mobo, Masbate.
Bukod rito, tuloy tuloy ang monitoring ng ahensya sa anim na lalawigan sa rehiyon na apektado ng Bagyong Amang.
Nasa 273 na pamilya o katumbas ng higit 1,000 indibidwal ang kasalukuyang nananatili ngayon sa evacuation centers sa Bicol region.
Tiniyak naman ng ahensya na nakahanda na ang 49,721 family food packs (FFPs) at 51,284 non-food items sa warehouse ng DSWD para mai-augment sa mga apektadong LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa