Naging positibo ang galaw ng ekonomiya ng National Capital Region o NCR noong taong 2022 ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.
Sa ulat ni PSA-NCR Regional Director Paciano Dizon, umakyat sa 7.2% ang Gross Regional Domestic Product o GRDP ng NCR noong 2022, mula sa 4.4% noong 2021.
Katumbas ito ng 6.3 trilyong pagtaas sa kita ng NCR noong 2022
Kasama sa nakaambag sa paglago ng economic performance ng NCR ang services sector na nasa 82 percent, at sektor ng industriya na nasa 17.9 percent habang pinakamababa naman sa 0.01 percent ang sektor ng agrikultura.
Kabilang sa mga nagtulak ng paglago ng ekonomiya ng NCR ay wholesale at retail trade, financial and insurance activities, at porfessional and business services.
Tumaas din ang average real per capita ng GRDP ng NCR ng 6% noong 2022.
Kung ikukumpara naman sa ibang rehiyon, ika-11 ang NCR sa mga rehiyon sa bansa pagdating sa economic performance.
Ipinunto naman ng PSA na makikita sa 2022 economic performance na matatag at tuloy-tuloy na ang recovery sa NCR at nararamdaman na ito ng taumbayan. | ulat ni Merry Ann Bastasa