Face mask policy, mahigpit pa ring ipinatutupad sa MRT-3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na nagpapatuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad nito ng face mask policy sa mga pasahero sa lahat ng 13 istasyon at mga tren ng linya.

Ito ay sa gitna na rin ng naiulat na pagtaas ng Covid cases sa ilang mga lugar kasama ang Metro Manila.

Ayon sa MRT3 management, may mga nakatalaga nang security marshals sa mga istasyon at tren para regular na paalalahanan ang mga pasahero ng naturang polisiya.

Gumagamit din aniya ng Public Address (PA) system ang security marshals at kawani ng istasyon sa pagpapaalala ng minimum health and safety protocols ng linya.

Bukod naman dito ay patuloy ring ipinatutupad ng MRT3 ang 7 commandments kontra COVID-19 gaya ng pagbabawal sa pagsalita at pakipag-usap sa telepono, pagkain, pag-inom, at pagpanatili ng maayos at sapat na ventilation. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us