Init factor sa QC, pumalo sa 37°C ngayong hapon — QCDRRMO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam na naman ang mainit na panahon sa lungsod Quezon ngayong araw.

Ayon sa Quezon City Disaster Disaster Risk Reduction and Management Office, nakapagtala ng 34°C na temperatura at 44% na Relative Humidity ang PAGASA Science Garden AWS kaninang 12:04 ng tanghali.

Ito ay may Heat Index o Init Factor na 37°C na kinokonsidera bilang “EXTREME CAUTION”.

Dagdag pa ng QCDRRMO, maaari pa itong tumaas sa mga susunod na oras.

Hinihikayat nito ang publiko na uminom ng maraming tubig at manatili sa loob ng tahanan kung kinakailangan upang makaiwas sa sakit na dala ng sobrang init.

Handa rin silang tumugon sa emergency na pangangailangan at maaaring tawagan ang kanilang hotline numbers o social media accounts. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us