Isang lalaki na kinasuhan ng murder, patay sa pamamaril sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay sa pamamaril ang isang lalaki malapit sa isang apartelle sa bahagi ng Quirino Highway sa Brgy. Bagbag, Quezon City.

Kinilala ni Police Captain Jeff Tuyo, deputy commander ng QCPD Station 4, ang biktima na si Macmac Bautista.

Ayon kay Tuyo, isang maintenance clerk ng apartelle ang nakarinig ng mga putok ng baril at nang silipin ang lugar ay natagpuan ang bangkay ni Bautista.

Sa pagsisiyasat ng SOCO, nakitaan ng mga tama ng baril sa ulo ang biktima.

Dagdag ni Tuyo, lumabas sa kanilang background investigation na nasangkot umano ang lalaki sa dalawang insidente ng pagpatay sa Quezon City.

Nitong September 30, 2022 ay binaril umano ni Bautista ang kanyang kinakasama at nitong January 3, 2023 ay itinuturo siyang suspect sa pananaksak.

Inaalam pa ng QCPD kung may kinalaman ang mga insidente sa pagpatay kay Bautista at kasalukuyang tinutugis ang gunman na nakunan sa CCTV.  | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

?: QCPD PS-4

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us