Muli na namang tinangkilik ng mga residente ng Brgy. Talipapa sa Quezon City ang pagbabalik ng Kadiwa Pop-Store sa kanilang lugar.
Ngayong Martes, ipinwesto naman sa Pleasantville Covered Court ang pop-up store na nagbukas kaninang alas-6 ng umaga.
Dahil sagana ang suplay ng gulay ngayon, ay nananatiling mura ang mga paninda rito gaya nalang ng kamatis na ₱20 lang ang kada kilo kumpara sa ₱40 na bentahan nito sa mga palengke.
Mura rin ang low land vegetables gaya ng Ampalaya na ₱65 per kada kilo, Sitao ₱60 per kada kilo, Kalabasa ₱30 per kada kilo
at Talong na mabibili sa ₱55 per kada kilo.
Mabibili naman ng ₱100 ang pulang sibuyas dito kumpara sa ₱120-₱180 na bentahan sa palengke.
Narito pa ang presyo ng ilang paninda sa Kadiwa pop up store:
Highland:
Cabbage ₱50
Carrots ₱50
Potato Jumbo ₱80
Wombok ₱50
Sayote ₱30
Broccoli ₱120
Pipino ₱60
Cauliflower ₱80
Potato Marble ₱50
Romaine ₱90
Sayote Tops ₱40
Onion Leeks ₱90
Celery ₱90
French Beans ₱100
Bell pepper ₱100
Lemon ₱90
Green ice ₱80
Ice Berg ₱80
Lowland:
Ginger ₱55
Calamansi ₱85
Labuyo ₱70
Mais Dilaw ₱40
Mais Purple ₱40
Kalabasa Lagkitan ₱60
Camote ₱60
Talong Native ₱100
Ampalaya Native ₱100
Okra ₱70
Sigarilyas ₱100
Upo ₱25/pc
Patola ₱60
Labuyo ₱70
Sili Panigang ₱60
Malunggay ₱100
Papait ₱50
Talbos ng Camote ₱25/tali
Saluyot ₱10/tali
Fruits:
Saba ₱40
Lakatan ₱70
Latundan ₱45
Pomelo ₱120
Melon ₱80
Red Lady Papaya ₱50
Santol ₱50
Apple Mango ₱50
Avocado ₱150
Watermelon ₱45
Mangga ₱120
Eggs:
Pewee ₱5/pc – ₱150/tray
Pullet ₱5.50/pc – ₱165/tray
Small ₱6/pc – ₱187/tray
Medium ₱6.50/pc – ₱192/tray
Large ₱8/pc – ₱227/tray
XL ₱8.50/pc – ₱248/tray
Bukas ang naturang Kadiwa Pop-up store hanggang mamayang alas-12 ng tanghali. | ulat ni Merry Ann Bastasa