Mahigit ₱6.8-M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Lungsod ng Taguig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Timbog sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District Drug Enforcement Unit ang nagkakahalaga ng mahigit 6.8 milyong piso na shabu sa lungsod ng Taguig kagabi.

Ayon kay SPD Chief Police Brigader General Kriby John Kraft pasado alas-10:45 kagabi nahuli ang pusher na si Jun Musay Salonga na alyas “Boy” sa Arca South Compound sa lungsod ng Taguig kung saan nakuha sa suspek ang isang plastic pack na may timbang na isang kilo na nagkakahalaga ng 6.8 million pesos.

Nakuha rin sa suspek ang marked money na nagkakahalaga ng 399 libong piso at isang addidas paper bag.

Mahaharap si Salonga sa paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11, sa ilalim ng Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Southern Police District ang naturang suspek. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us