Marikina LGU, nagkaloob ng tax exemption certificates sa sari-sari store at carinderia owners

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ng Business Permit and Business Tax Exemption certificates sa mga may-ari ng sari-sari store at carinderia sa lungsod.

Alinsunod ito sa City Ordinance Number 199, series of 2022 na nagkakaloob ng full business permit at business tax exemption sa sari-sari stores at carinderia para sa tax year 2023.

Nakinabang sa programa ang mga negosyo mula sa Barangay San Roque, Kalumpang, Sta. Elena, Barangka, IVC, J. Dela Pena, Tanong, Sto. Nino, Malanday, Tumana at Concepcion Uno.

Ayon sa city government, batid ni Mayor Marcy Teodoro ang pinansyal na hamon sa maliliit na negosyo kaya ipinagpapatuloy ang pagbibigay ng exemption.

Ang mga kwalipikadong sari-sari store at carinderia ay mayroong start-up capital na hindi hihigit sa Php10,000 may taunang benta na hindi hihigit sa Php180,000 at hindi nagbebenta ng sigarilyo at alak. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us