MMDA, namahagi ng 100 body cameras sa kanilang mga tauhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng orientation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office (TDO) sa ilang MMDA traffic enforcers ukol sa paggamit ng body cameras.

Bahagi ito ng familiarization sa technical specifications, features, at parts ng gadget na gagamitin ng ilang mga traffic enforcer sa kanilang traffic management operations. Ang bawat camera ay tatagal hanggang walong oras o isang shift ng isang personnel.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, ang mga recording mula sa body cameras ay naka-link sa bagong MMDA Command Center sa Pasig City, na magagamit na ebidensiya kung sakaling magreklamo ang isang nahuling motorista.

Nasa 100 body-worn cameras ang ipapamahagi sa traffic enforcers ng MMDA, na nakatalaga sa apat na magkakaibang lugar sa Metro Manila.

Balak pa ni Chair Artes, na dagdagan ang body cameras sa mga susunod na buwan na inaasahan din na makakatulong sa kampanya ng ahensiya laban sa pangongotong.

Paghahanda na rin ito ani Artes sa napipintong pagpapatupad ng Single Ticketing System sa buwan ng Mayo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us