MPD, kinilala ang mga pulis na nakahuli sa sindikato ng laglag barya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng pamunuan ng Manila Police District ang mga pulis na agad rumesponde sa mga biktima ng laglag barya gang nitong Marso.

Sa pangunguna ni MPD Director PBGen. Andre DizonM kinilala sina, PLT. Jessie Escalo, PSSG. Jaime Esguerra Jr., at Patrolman Franz Angelo Dizon.

Ayon kay Dizon hindi dapat makaapekto ang mga kontrobersyang kinakasangkutan ng organisasyon ng PNP sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin ng mga miyembro nito.

Paliwanag ni Dizon, sa mga ganitong pagkakataon dapat mas lalong patunayan na mas maraming mabuting nagagawa ang kapulisan kaysa sa ilang sablay na operasyon.

Giit ng heneral, walang dapat ikabahala ang mga gumagawa ng tama.

Matatandaan na nasakote ng tinaguriang Manila’s Finest, ang mga haragang kriminal na kilala sa modus na laglag barya, sa may Taft Avenue matapos makahingi ng saklolo sa mga rumorondang pulis ang isang biktima ng mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us