May 230 solo parents sa lungsod ng Navotas ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Navotas City Government.
Ipinagkaloob ito ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng programang “Saya All, Angat All Tulong sa lahat ng Rehistradong Solo Parents”.
Ang kaloob na tulong pinansyal ay pangalawang batch na ng solo parents.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-₱2,000 ayuda.
Nag-abiso pa ang LGU sa mga solo parent na hindi nakapunta sa payout o hindi pa kasama sa programa na makipag-ugnayan lamang sila sa City Social Welfare and Development Office ng Navotas. | ulat ni Rey Ferrer
?: Navotas LGU