Nagkasa ng panibagong relief mission ang Office of the Vice President sa tatlong local government units sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng malawakang oil spill.
Sa pamamagitan ng OVP-Disaster Operations Center, naihatid ang 2,924 sacks ng bigas na katumbas ng mahigit 146,000 kilograms sa mga bayan ng Naujan, Bulalacao at Calapan City.
Nasa 1,469 sacks ng bigas ang ipinamahagi sa dalawang munisipalidad.
Umabot naman sa 1,455 sacks ng bigas ang ipinamigay sa 10 barangay sa Calapan City kabilang ang Silonay, Maidlang, Navotas, at Lazareto.
Ito na ang ikaapat na operasyon ng OVP-DOC matapos lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero.
Una nang naghatid ang OVP ng 80,000 kilo ng bigas sa mahigit 8,000 mangingisda sa Oriental Mindoro. | ulat ni Hajji Kaamiño