Naghandog ng isang iftar o breaking the fast ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Ito ay habang hinihintay ang opisyal na anunsiyo mula sa Bangsamoro Darul-Ifta kaugnay sa pormal na pagtatapos ng buwan ng Ramadan.
Ayon kay OPAPRU Acting Secretary Isidro Purisima, bahagi ito ng kanilang pagtataguyod sa kultura ng kapayapaan, mutual understanding, at pakikiisa sa Muslim community sa banal na buwang ito.
Binigyang diin pa ni Sec. Purisima ang kahalagahan ng nasabing pagdiriwang kasama ang stakeholders, sa paniniwalang ito ang susi sa ganap na pagkakaisa.
Batay sa tradisyong islam, kinakailangang kumpirmahin ng Darul-Ifta ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan sa pamamagitan ng paglabas ng buwan o moon sighting. | ulat ni Jaymark Dagala ?: OPAPRU