Walang naitalang pinsala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission lines at mga pasilidad nito sa bansa.
Ito sa kabila pa ng mga pag-ulan na dulot ng bagyong Amang.
Mula kaninang madaling araw, wala pang natatanggap na ulat ang NGCP na may naitalang pinsala sa mga pasilidad.
Gayunman, nananatiling nakaalerto ng kumpanya hangga’t nananatili pa sa loob ng bansa ang bagyong Amang.
Una nang tiniyak ng NGCP na nakalatag na ang precautionary measures nito bilang paghahanda sa pagtama ng bagyong Amang sa kanilang transmission facilities. | ulat ni Merry Ann Bastasa