Pagsasapubliko sa pangalan ng mga Pulis na napatunayang sangkot sa ilegal na droga, ipinauubaya na ng bagong PNP Chief sa Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si bagong Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na hindi niya kukonsintihin ang mga Pulis na mapatutunayang gumagawa ng mali.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni Acorda, na handa niyang tanggalin sa serbisyo at ihatid pa sa rehas na bakal ang mga Police scalawag kung kinakailangan.

Batay sa nakita niyang listahan noong siya pa ang pinuno ng Counter Intelligence, iilan lang ang mga panglan na kaniyang nakita na talagang sangkot sa iba’t ibang ilegal na gawain.

Gayunman, sinabi ni Acorda na kung siya ang tatanungin ay tutol siya na isapubliko ang pangalan ng mga naturang Pulis, dahil sa kahihiyang dulot nito sa kanilang pamilya.

Subalit, sinabi ni Acorda na ipinauubaya na niya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung isasapubliko ito o hindi.Sabay panawagan naman ng bagong PNP Chief sa publiko gayundin sa mga miyembro ng media, na tulungan sila na ibalik ang tiwala ng Publiko sa hanay ng Pambansang Pulisya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us