Parañaque LGU, namahagi ng monthly allowance sa mahigit 14k na elementary students sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng second batch allowance ang lokal na pamahalaan ng Parañaque para sa 14,114 mag-aaral sa elementarya sa iba’t ibang paaralan sa lungsod.

Makakatangap ng 2,000 pesos ang bawat mag-aaral, ito’y mula Enero hangang Abril na nagkakahalaga ng 500 pesos kada buwan na allowance.

Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, layon ng kanilang programa na mabigyan ng tulong pinansyal ang bawat mag-aaral sa kanilang lungsod upang makatulonng sa mga gastusin sa pag-aaral ng mga estudyante.

Dagdag pa ni Olivares na makakaasa ang bawat mag-aaral sa lungsod na magpapatuloy ang pagsuporta nito sa bawat mag-aaral sa lungsod at mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us