Payo ni Gen. Azurin sa kanyang kapalit: Maging matibay at matatag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang magiging susunod na PNP Chief, na maging matibay at matatag.

Ang pahayag ay ginawa ni Azurin sa ambush interview sa Camp Crame, ilang araw bago siya magretiro sa serbisyo sa darating na Lunes, Abril 24.

Ayon kay Gen. Azurin, kung nais ng kanyang successor ng totoong pagbabago sa hanay ng Pambansang Pulisya ay dapat handa nitong kaharapin ang lahat ng hamon at pagsubok na kaakibat ng kanyang pwesto.

Naniniwala naman si Gen. Azurin, na nagawa niya ng maayos ang kanyang tungkulin sa loob ng halos siyam na buwang panunungkulan.

Sinabi naman ni Azurin, na sa pagtapos ng kanyang termino ay maglalaan muna siya ng panahon sa kanyang pamilya.

Depende narin aniya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung aalukin siya ng panibagong puwesto sa gobyerno. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us