PDEA, nakatakdang bumili ng karagdagang body cams na gagamitin sa operasyon ng mga agent

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mas maging transparent ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsugpo ng illegal na droga sa bansa na nakatakdang bumili ng karagdagang body cameras ang PDEA na magagamit ng bawat ahente nito.

Ayon kay PDEA Director General Virgillo Lazo, layon ng pag-procure ng mga body cameras upang magkaroon na ng one is to one ang bawat ahente ng PDEA na kakailanganin sa isinasagawa nitong mga drug operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dagdag pa ni DG Lazo, sa ngayon ay may kakulangan ang mga body cameras dahil sa limitadong supply nito kaya naghihiraman na lamang ang mga ito.

Kaugnay nito, bukas ay nakatakdang sumailalim sa pagpupulong si Lazo para sa pagbili ng mga karagdagang body cameras. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us