Pinanggalingan ng 990 kilo ng shabu na narekober kay Mayo, inaalam ng SITG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Colonel Red Maranan na kasama sa imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) ang pinagmulan ng 990 kilo ng shabu na narekober sa lending agency na pag-aari ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo.

Ayon kay Maranan, nagsasagawa ng back-tracking ang SITG para malaman kung ang malaking bulto ng droga ay paunti-unting inipon, o dinala doon ng isang bagsakan.

Ayon kay Maranan, hindi pa masabi sa ngayon kung ang nakuhang droga ay naipon mula sa kinupit na droga sa iba’t ibang operasyon, pero kasama aniya ito sa mga anggulong tinitignan.

Sinabi ni Maranan na inirekomenda na rin ng SITG ang pagsasagawa ng background at lifestyle check sa lahat ng tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Siniguro din ni Maranan na tututukan ng PNP ang pagsasampa ng kaso laban sa 49 na pulis na kasama sa kwestiyonableng operasyon, at ang lahat ng mga ito ay “accounted for” ng Personnel Holding and Accounting Unit (PHAO) ng PNP. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us